Kim dinaig pa ang reyna, alagang-alaga ni Xian | Bandera

Kim dinaig pa ang reyna, alagang-alaga ni Xian

Ambet Nabus |March 11,2016
facebook
share this

Kim dinaig pa ang reyna, alagang-alaga ni Xian

Ambet Nabus - March 11, 2016 - 03:00 AM

XIAN LIM AT KIM CHIU

XIAN LIM AT KIM CHIU

SA grand presscon ng The Story Of Us ay nakakwentuhan namin si direk Richard Somes.

Ayaw daw nitong makialam sa anumang “personal” na nangyayari sa mga bida niya sa serye na sina Xian Lim at Kim Chiu dahil wala naman daw siyang karapatan. For as long as professional ang mga ito, walang problema sa set, maayos ang takbo ng shoot at very cooperative ang mga ito sa lahat ng ipagawa niya, “Masaya ako as their director.”

Hindi raw tipo ni direk Richard ang manghimasok sa napakagandang relasyon ngayon ng dalawa though masaya siya na nagta-translate ito sa on-screen romance ng magka-loveteam.

Although umamin na nga sina Xian at Kim na more than friends na sila, sang-ayon si direk Richard na sa takdang panahon ay mas magiging bukas na ang dalawa sa kanilang relasyon.

“Xian is an old soul kasi. Na-o-observe ko lang na sobra siyang protective kay Kim at very hands on sa pag-aasikaso. Baka nga nandu’n sila sa stage na sobra na silang komportable. Hayaan na lang muna natin na sa kanila manggaling ang pag-label sa relasyon nila,” dagdag pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending