Wenn Deramas di nakayanan pagpanaw ng kapatid; namatay dahil sa cardiac arrest | Bandera

Wenn Deramas di nakayanan pagpanaw ng kapatid; namatay dahil sa cardiac arrest

Ervin Santiago |February 29,2016
facebook
share this

Wenn Deramas di nakayanan pagpanaw ng kapatid; namatay dahil sa cardiac arrest

Ervin Santiago - February 29, 2016 - 04:20 PM

SUMAKABILANG-BUHAY na ang Box-Office director na si Wenn Deramas matapos atakihin sa puso kaninang umaga. Si direk Wenn ay 49 years old. Mismong ang matalik na kaibigan ng Kapamilya director na si June Rufino ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa panayam nito. Kuwento ng talent manager, unang isinugod sa Capitol Medical Center ang kapatid ni Direk Wenn na si Mary Anne o Wawa sa kanyang pamilya pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor bandang alas-2:47 ng madaling-araw. Mabilis daw na nagtungo sa ospital si direk Wenn sa ospital matapos ibalita sa kanya ang nangyari sa kapatid ngunit inatake rin ito at namatay dakong alas-6:15 ng umaga matapos subukang i-revive ng mga doktor nang ilang beses. Cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ng direktor. Kung matatandaan, noong 2013 ay nagkaroon ng mild stroke si Direk Wenn. Dahil dito matagal din siyang nagpahinga at hindi muna nagdirek ng mga serye at pelikula. Ang huling pelikula ng yumaong direktor ay ang “Beauty And The Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin na isa ring certified box-office noong nakaraang 2015 MMFF. Ilan pa sa mga nagawa niyang pelikula ay ang “Tanging Ina” ni Ai Ai delas Alas, “Petrang Kabayo” (2010), “The Unkabogable Praybeyt Benjamin” (2011), Girl Boy Bakla Tomboy (2013) at ang “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014) na pinagbidahan lahat ni Vice. Ilan naman sa mga seryeng nagawa ni Direk Wenn sa ABS-CBN ay ang mga sumusunod: Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Marina, Kampanerang Kuba, Walang Kapalit, Dyosa, Kahit Puso’y Masugatan at ang pinakahuli nga ay itong Flordeliza. Sayang at hindi na rin matatanggap ni direk Wenn ang kanyang tropeo sa gaganaping 47th Box Office Entertainment Awards sa April 17 kung saan pararangalan siya bilang Most Popular Director along with direk Cathy Garcia-Molina. Ang mga labi ng direktor ay nakaburol sa Arlington Memorial Chapels, sa Araneta Avenue, Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending