Maja nabawasan ang exposure sa Ang Probinsyano ni Coco | Bandera

Maja nabawasan ang exposure sa Ang Probinsyano ni Coco

Ambet Nabus |February 29,2016
facebook
share this

Maja nabawasan ang exposure sa Ang Probinsyano ni Coco

Ambet Nabus - February 29, 2016 - 02:00 AM

coco martin

Natawa naman si Anne Curtis sa tanong-intriga namin na siya na ngayon ang “sentro” ng love angle ng pagiging pulis ni Cardo sa seryeng Ang Probinsyano.

At sa totoo lang, kahit nakaka-two weeks pa lang siya eh na-maintain ng show ang mataas nitong rating, suffice to say na tanggap na tanggap ng followers and suppor-ters ng show ang pagpasok niya kahit brief stint lang daw ito.

“I’m simply happy. Na-miss ko rin ang primetime noh,” sey ni gandang Anne na biib na bilib sa working attitude ni Coco Martin. But going back to our question, “sampid” lang daw siya sa soap at ayaw niyang panghimasukan ang outcome ng kuwento ni Cardo pagda-ting sa lovelife nito sa serye.

Sa naturang soap kasi ay matagal ng nakakantiyawan si Maja Salvador na nalamangan na ni Bela Padilla sa exposure at bigat ng role. May kantiyaw pang ni hindi pa nga daw nagbu-bloom ang anggulo ng romansa nito sa karakter ni Coco eh sapaw na sapaw na ito kay Bela, and now nga ay with Anne.

At alam mo bang ang la-test ngang kantiyaw kay Maja ay sa commercial na lang daw “bida” ang role nito sa Ang Probinsyano. Lagi kasing pini-play yung commercial niya with her co-stars Onyok, Joey Marquez and Malu de Guzman.

At gaya daw ni Maja, (except for Onyok), parang na-limit na lang ang exposure ng mga ito sa nasabing infomercial.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending