Andrea todo ang pagpapaseksi sa The Millionaire's Wife; Jaclyn 'nagpabutas' | Bandera

Andrea todo ang pagpapaseksi sa The Millionaire’s Wife; Jaclyn ‘nagpabutas’

Ervin Santiago |February 29,2016
facebook
share this

Andrea todo ang pagpapaseksi sa The Millionaire’s Wife; Jaclyn ‘nagpabutas’

Ervin Santiago - February 29, 2016 - 02:00 AM

andrea torres

Matutunghayan ng Kapuso fans ang pinaka-mature at pinaka-daring na role ni Andrea Torres bilang si Luisa Ignacio sa bagong serye ng GMA 7, ang The Millionaire’s Wife.

Ibinahagi ng Kapuso actress ang pagkasabik niya sa pagganap sa nasabing karakter, “Sobrang laking bagay sa akin na nakuha ang role na ito. Kabado pero excited at the same time.”

Bukod sa kanyang karakter, ang mga twists sa kwento ay dapat abangan din ng mga manonood. Kung ikukumpara sa mga dati niyang serye, ito na raw ang pinaka-challenging na proyektong ibinigay sa kanya ng GMA.

Makakasama rin ni Andrea Torres sa The Millio-naire’s Wife ang Kapuso hunk actor na si Mike Tan. Malayo rin sa kanyang previous roles, gagampanan ni Mike ang isang brusko at mayabang na karakter.

Kahit madalas napagkakamalan na walang pakialam ang kanyang role, gagawin niya ang lahat para kay Luisa (Andrea). Ayon kay Mike, si Ivan Meneses na kanyang karakter ay kayang isakripisyo ang lahat para lang sa ikaliligaya ng babaeng kanyang minamahal.

Ganu’n din naman daw siya sa tunay na buhay, handa niyang gawin lahat para sa kanyang karelasyon. May non-showbiz girlfriend si Mike at kung hindi kami nagkakamali magsasampung taon na rin silang magd-yowa.

Lagi namang itinuturing ni Jaclyn Jose bilang isang totoong tao ang mga karakter na kanyang ginagampanan sa mga teleserye at pelikula. Siya rin ay naglalagay ng mga “trademark” sa kanyang mga roles. Si Trixie ng seryeng Carmela noon ni Marian Rivera ay makikitang laging may suot na chunky accessories samantalang si Senyora Santibañez ng Marimar naman ay hindi mawawalan ng nakakaaliw na headbands at anklets.

Ngayon naman, para sa The Millionaire’s Wife, ang aktres ay nagpa-pierce pa ng kanyang dalawang tenga. Ayon sa award-winning veteran actress, “May ginagawa talaga ako sa sarili ko to remind myself that I am not me. Yun ang dapat abangan ng mga manonood, kung anong karakter naman ang bibigyan ko ng buhay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending