‘Utang na loob Pacman, tigilan mo na ang paggamit sa Diyos at sa Bibliya!!!’ | Bandera

‘Utang na loob Pacman, tigilan mo na ang paggamit sa Diyos at sa Bibliya!!!’

Ambet Nabus |February 20,2016
facebook
share this

‘Utang na loob Pacman, tigilan mo na ang paggamit sa Diyos at sa Bibliya!!!’

Ambet Nabus - February 20, 2016 - 03:00 AM

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

SA dami ng nakuhang hate reactions ni Manny Pacquiao mula sa LGBT community at iba pang nabwisit sa pagkukumpara nito sa hayop ng mga bading at tomboy, parang natuldukan na rin ang kanyang karera sa pulitika.

Manalo man siya o matalo, iisa ang nakita ng lahat kay Pacquiao sa klase ng kanyang pagrarason, paghingi ng apology at paninindigan sa natutunan niyang aral at turo ng Bibliya – ang kanyang kakapusan ng pang-unawa at talino sa mga usaping nakakaapekto sa bayan at pamumuhay ng mga tao.

Mas mainam na nga sigurong maging pastor na lang siya dahil ang ipinagmamalaki niyang “kaalaman at katotohanan” ayon sa pagkakaunawa niya sa Bibliya ay may sariling audience o mga taong gaya niya ay ginawa itong sandalan kapag nalulugmok na sa mga pagkakamali o gustong magbawas ng kasalanan or at least “guilt.”

Hindi kami nagmamalinis dahil makasalanan din kami, pero never din naming ginamit na rason ang Bibliya bilang “panghusga o timbangan” ng aming opinyon.

Hay naku, hangga’t sandamakmak ang Hermes bags ni Jinkee Pacquiao at boxing pa rin ang pinagkukunan ng kanilang yaman at napapaligiran ng mga “propeta” sa iba’t ibang anyo, naniniwala kaming hindi matatapos ang usaping ito.

Hindi ko na papatulan pa ang nais niyang pagsulong ng anti-discrimination bill bilang paghimas sa mga nasaktan niya at para ma-please lang sina Kuya Boy Abunda at iba pang gay celebrities dahil kung sa loob nga ng tatlong taon niya sa Kongreso eh hindi niya ito nagawa, ngayon pa ba na nag-aambisyon siyang maging Senador, na ibabase ang pagpapatakbo sa mga usaping batas sa kung ano ang interpretasyon niya sa Bibliya?

Sa dinami-dami na ng narinig naming bersyon ng mga Salita ng Diyos, iisa lang ang aming laging pinanghahawakan at gustong panatilihin sa aming buhay – “mahalin at irespeto mo ang iyong kapwa kung paano mong minamahal at iginagalang ang sarili mo sa mata ng Diyos.”

Ngayong tsinugi na siya bilang endorser ng Nike, sasabihin ba niyang alagad ng demonyo ang mga taong nasa likod nito?

At puwede ba, tigilan na ako ni Pacman sa mga ilusyon niyang pagbuklurin ang LAHAT ng tao base sa interpretasyon niya sa Bibliya kaya siya tumatakbo bilang Senador at nais niyang mag-pay back sa bansa dahil sa mga karangalang naibigay niya sa atin.

Indeed a little learning is a dangerous thing at mukhang dumarami ang may ganyang panuntunan among our public servants!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ingat-ingat lang po sana at panatilihin ang kapayapaan sa ating mga puso para mas malalim nating maintindihan ang gagawin nating paglahok sa May elections bilang mga botante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending