Liza Dino kay Pacquiao: Magboksing ka na lang, mas may pakinabang pa! | Bandera

Liza Dino kay Pacquiao: Magboksing ka na lang, mas may pakinabang pa!

Ervin Santiago |February 19,2016
facebook
share this

Liza Dino kay Pacquiao: Magboksing ka na lang, mas may pakinabang pa!

Ervin Santiago - February 19, 2016 - 03:00 AM

LIZA DINO AT MANNY PACQUIAO

LIZA DINO AT MANNY PACQUIAO

MAS nangibabaw ang awa ng asawa ni Aiza Seguerra na si Liza Dino kay Manny Pacquiao kesa sa galit.

Nasaktan at napaisip din daw siya sa pang-aalipusta ni Pacman sa mga bading at tomboy.

Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Liza ang kanyang saloobin laban kay Manny, “Aminado ako nagalit ako nung una. But sabi ko nga, di ba, nag-mature na ang pananaw ko dito after going through this every single day from random people.

“Kaso, champion ka. Hero ka namin. Hindi ka random. Kaya siguro mas personal talaga to… I tried to understand and analyze where you might be coming from and after trying to process things, mas nangibabaw ang AWA ko sa ‘yo. At sa Pilipinas,” sabi pa ni Liza.

Dugtong pa nito, “Nakakaloka! After your display of complete disregard for humanity, nakakadismayang isinasaalang-alang namin sa ‘yo ang kapakanan ng bansa namin. Hala… ayaw! Afraid!

Please, mag-boxing ka na lang. Mas may pakinabang pa…

“Love CANNOT be conditional. Kung makatao ka at marunong magmahal, then it should be encompassing and unconditional. I’m not giving up on you MANNY. Baka nabubulagan ka lang ng mga paniniwala mo.

“Too much bible study w/o a critical mind is dangerous to ur humanity and spirituality,” pagtatapos pa ng asawa ni Aiza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending