Robin kinampihan si Pacman; tinawag pang bayani | Bandera

Robin kinampihan si Pacman; tinawag pang bayani

Alex Brosas |February 18,2016
facebook
share this

Robin kinampihan si Pacman; tinawag pang bayani

Alex Brosas - February 18, 2016 - 02:00 AM

robin padilla

NAGSANGA-SANGA na ang reactions kay Manny Pacquiao all because he compared gays to animals.
Many seethed with anger dahil sa mga pinagsasabi ni Manny. Bumula ang bibig ng mga members ng pink community.

Talagang kaliwa’t kanang bira ang inabot niya sa social media. Up to what extent ang galit ng mga beki kay Manny? Well, tumagos yata sa ulap ang galit ng gender-benders sa Pambansang Kamao. Parang Pambansang Kontrabida ang tingin sa kanya ngayon ng third sex community.

Marami ang nagsalita laban kay Manny pero ang pinakamatapang sa lahat ay ang baklang napanood namin sa isang video. Inglesera si ate, talagang kiyaw-kiyaw siya nang kiyaw-kiyaw laban kay Pacman.

Walang takot ang bakla, pati nanay ni Manny ay idinamay niya. Masarap daw tambayan ang mukha ng nanay ni Manny dahil marami itong kanto. Tinawag din niyang mukhang unggoy ang boksingero pati na ang ina nito.

Naku, Manny, panoorin mo ang video at tiyak na masa-shock ka sa pinagsasabi sa ‘yo. Ikaw kasi, tinawag mong masahol pa sa animals ang mga beki, ayan, nilait ka tuloy nang husto.

“Isa ka lang namang unggoy na Natutong magBoxing!” ‘Yan naman ang matapang na pahayag ng isa pang beki sa kanyang video. Everyone in the beki community seems to have said something about the issue.

May nagpaalala kay Manny kung saan siya nangggaling. May nagpasaring sa kanya about his pambababae noon. Tinawag siyang mal-edukado, hindi nakapag-aral at walang common sense at pangit.

Even Mo Twister reacted on Manny’s anti-beki rants, “Dear Manny, I think I liked you more when you were a womanizer. “I again watched Manny’s homophobic and bigoted interview comparing animals and homosexuals – and I think I just got dumber,” say ni Mo.

Magkaiba naman ang pananaw ng magkapatid na Robin Padilla at BB Gandanghari sa isyu. According kay Robin, hindi man siya sumasang-ayon sa nga nasabi ni Manny about gays susuportanan pa rin daw niya ito.

“My senator, public service is not selective. Protect those who are few, poor and weak. Religion has nothing to do with it or around it. My support to you will not change I still believe in your heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Listen to it and trust it always. It will never mislead a HERO,” ani Robin sa Instagram. Of course, galit din si BB kay Pacman, “To Manny Paquiao, all gays in the world did nothing but to love and support you.

Ganyan ka ba mag pasalamat? Nilait at pinababa niya ang tingin sa mga katulad namin. tandaan nyo ang isang pagkakamali ay pwedeng maituwid pero ang maling paniniwala at diskriminasyon ay mahirap baguhin…Walang perpekto sa mundo pero sana wag na nating ipagtanggol ang kagaya niya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending