Quantcast

Ate Vi ayaw magpakita sa Press dahil sa hiwalayang Angel-Luis?

By

vilma santos

KALIWA’T kanan pa rin ang block screenings ng movie ni Star For all Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos na “Everything About Her” kahit nasa third week na sa mga sinehan. Kudos sa mga masisipag na Vilmanians na paulit-ulit ang panonood.

Last Saturday, muli naming napanood ang movie ni Gov. Vi with Angel Locsin and Xian Lim sa Dolphy Theater ng ABS-CBN sa imbitasyon ng presidente ng Vilmanians na si Jojo Lim. Bukod sa Vilmanians, nandoon din ang mga fans nina Xian at Angel.

Hindi man nakarating si Gov. Vi sa block screening ng movie nila last Saturday, dumating naman si Xian at ang direktor ng pelikula na si Bb. Joyce Bernal. Magiliw ding nakipag-piktyuran si Xian sa fans.

Nagkausap muna sila ni Gov. Vi sa telepono na hindi nga nakarating dahil may sakit siya that night. Supposed to be, aapir din sa block screening si Gov. Vi subalit hindi na talaga kinaya ng kanyang katawan dahil na rin sa sobrang pagod.

“Nagsimula na rin kasi ako para sa campaign ko at alam ninyo naman na sobrang nakatutok din ako sa promo ng movie kaya heto, sinisingil na ngayon ang katawan ko sa sobrang pagod,” mensahe ni Gov. Vi sa fans na nasa Dolphy Theater through Jojo’s mobile phone.

Humingi rin ng paumanhin ang aktres sa mga nandoon at nag-expect na darating siya. Siyempre, naiintindihan naman ng Vilmanians ang kalagayan ni Gov. Vi. Kaya hindi pwedeng sabihin na umiiwas lang siya na magpakita in public dahil sa lumalalang isyu ng dahilan ng hiwalayan ng kanyang anak na si Luis Manzano at Angel.

Anyway, ibinigay naman ni Direk Joyce ang credit kay Xian sa mahusay niyang pagganap sa movie.
“Si Xian kasi kaya kami nagtagpo dahil napaka-honest niya. Hindi siya takot na ipakita sa akin na ganito siya, insecure siyang tao.

Tapos nu’ng tinanong ko siya nu’ng ginagawa namin ‘yung character analysis, ready, ‘te, ready,” bulalas ni Direk Joyce. Binigay lang daw niya kay Xian ‘yung mga task na kailangan niyang gawin at ang leading man ni Angel sa movie na ang nag-ayos.

“Tsina-challenge ko lang siya pero karamihan ng mga ginawa niya take niya. Hindi ko take ‘yun. Parang hindi ‘yun ‘yung the way I imagined and ganoon naman akong direktor, ibibigay ko sa ‘yo how I envisioned this, pero mas bina-value ko kung ano ‘yung understanding mo sa character.

So, noong sinabi ko sa kanya na reresptetuhin ko ang interpretation niya, doon niya inayos talaga,” lahad pa ni direk. Aminado si Direk Joyce na nagulat siya sa ipinakitang interpretasyon ni Xian sa kanyang role through his acting.

“Oo, kasi alam mo, ano pa siya, e, nagte-text pa siya sa akin before, ‘Eto ‘yung gusto kong mangyari.’ Kinukunsulta niya ako. Ini-email niya ako. E, ‘yun nga hindi ako marunong magbukas ng email, so, hindi ko nalalaman. So, ayun, hindi ko nababasa,” sabi pa ni Bb. Joyce Bernal

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement