Binay inakusahan ang administrasyon ng ‘legalized vote-buying' | Bandera

Binay inakusahan ang administrasyon ng ‘legalized vote-buying’

|February 14,2016
facebook
share this

Binay inakusahan ang administrasyon ng ‘legalized vote-buying’

- February 14, 2016 - 04:41 PM

binay-roxas
INAKUSAHAN ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang administrasyon ng vote buying sa harap naman ng ipinapatupad nitong bottom-up budgeting (BUB).

Sinabi ni UNA spokesperson Mon Ilagan na legalized vote-buying ang ipinapangako ni Mar Roxas na karagdagang P100 milyon para sa BUB.

“No matter how Mar and the LP call it or sweeten the packaging, it is still legalized vote-buying because it is meant to influence the people’s voting preferences… ang BUB pwede nang matawag ‘Bribe Ur Barangay’ dahil ito na ang kanilang modelo ng legal na vote-buying,” sabi ni Ilagan.

Tinatayang 42,000 barangay ang nasa ilalim ng BUB.

Idinagdag ni Ilagan na bukod sa BUB, na tinagurian ng UNA bilang “Bribe Ur Barangay,” naglaan din ang gobyerno ng P25 bilyon sa eleksyon.

“Sadyang ibang-iba na ang layunin ng BUB sa orihinal nitong intensyon na budget ng bayan sa kamay ng taumbayan. Pero tila yata ang budget ng bayan eh ginagamit ng partido ng administrasyon para suhulan ang taumbayan,” sabi ni Ilagan.

“Ang ‘Bribe Ur Barangay’ na ang bagong localized version of pork-barrel politics. The power of the LP’s purse is energized by the Administration’s CCT and BUB projects. The BUB’s rationale is no longer developmental but envelopmental; no longer economics, but politics,” dagdag ni Ilagan.
Nauna nang ipinangako ni Roxas sa harap ng Liga ng Barangay na makikinabang ang bawat barangay sa pinalawak na BUB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending