Yaya Dub ginawan ng tula ng kilalang international best-selling author at poet | Bandera

Yaya Dub ginawan ng tula ng kilalang international best-selling author at poet

, |February 14,2016
facebook
share this

Yaya Dub ginawan ng tula ng kilalang international best-selling author at poet

- , February 14, 2016 - 03:54 PM

TALAGANG pabongga nang pabongga itong  Maine Mendoza alyas Yaya Dub dahil ginawan siya ng tula ng kilalang best-selling Chinese-Australian author and poet na si Lang Leav.

Isang fan ng AlDub love team ang humiling kay Leav na gawan ng tula ang kanyang mga iniidolo in time for the Valentines Day, at hindi naman siya binigo ng magaling na manunulat.

Nag-post si Leav ng “Stars in Love,” isang tula na ang pinaghugutan ay ang AlDub tandem, sa kanyang social media accounts sa mismong Araw ng mga Puso.

“Hope you like it @mainedcm Happy Valentine’s Day! #ALDUBisLove #ALDUBHappyValentines,” sabi ng poet sa kanyang post.

At ganito ang kanyang tula:

We were two old souls
since time began—
before light was measured
in years.

We are stars that fell
from glittering skies,
to find each other here.

Nagsimula ito nang hilingin ng Twitter user  na si @JimCTA39.  Hiniling nito kay Leav na sumulat sana ito ng tula para sa kanyang mga idolo.

Sumagot si Leav at sinabi na gagawa ito ng tula, kung si Maine mismo ang hihiling sa kanya.

Sabi rin ng poet na ang dalawa ay “look cute together.”

Nang malaman ni Maine, dali-dali naman itong nag-Tweet kay Leav na “oh my gosh thank you, make it happen pretty please.”

Kilala si Leav sa kanyang “Love and Misadventures,” “Lullabies,” at “Memories.”

Nakapagtala na ng 39,000 FAcebook likes ang post ni Leav.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending