Horoscope, February 14, 2016 | Bandera

Horoscope, February 14, 2016

Madam Sophia |February 14,2016
facebook
share this

Horoscope, February 14, 2016

Madam Sophia - February 14, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ba’t ganon, kung sino pa ang may birthday ngayong Araw ng mga Puso, siya pa ang bigo sa pag-ibig? Talagang ganon! Hangga’t hindi mo natatagpuan ang isang Libra na may birth date na 5, 14, at 23, hindi ka liligaya. Mapalad ang 6, 14, 22, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Maigate-Om.” Lilac at magenta ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Sa pinansyal tatabo ka ng malaking halaga sa mga produktong may kaugnayan sa modernong teknolohiya at sa mga bagay na ginagamitan ng kuryente. Sa pag-ibig, sa isang unipormadong nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Wag magpatangay sa magastos na pagdiriwang ng Valentine’s day. Tipid pa rin ang kailangan para sa kinabukasan ng pamilya. Imbis na manood ng sine yayain ang kasuyo sa tahimik na silid doon mas masarap mag loving-loving. Mapalad ang 6, 18, 27, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Hindi pang matagalan ang sayang nararamdaman – ang lahat ay kusang lumilipas. Ganon paman, ngayong kasama mo siya, saidin ng lubos ang ligaya, sino ang nakaka-alam kung makaka-ulit pa kayo? Tandaang “wala ng bukas!” Mapalad ang 5, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om-Umaran.” White at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Wag intindihin ang sinasabi ng iba, ang mas mahalaga ngayong araw na ito magpakaligaya. Sa pinansyal, isang Scorpio ang maaaring malapitan upang mautangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 38, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Green at gold ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Huwag mabuhay sa pangarap, bigyan ng aksyon at pagkilos ang anomang iniisip. Sa pinansyal, kapag naisagawa ang lahat ng iyong binabalak, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig aksyon ang dapat upang mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Ipakita mo na iba ka sa lahat! Kung sila “tatlong rosas” ang bigay sa babaing minamahal, isang bouquet na roses ang ihandog sa kasuyong Taurus. Kung ikaw ay isang babae, ipakita mo ring iba ka sa lahat, bigyan ng tatlong balot ang kasuyong mahina na ang tuhod. Mapalad ang 5, 17, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Lilac at orange ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Ngayong Valentine ipagluto ng masarap na pagkain ang kasuyo, upang lalong uminit ang pagmamahalan. Sa pinansyal, di baling mahal ang rekado, ang mas mahalaga, hindi makakalimutan ng kasuyo ang masarap na menu inihanda mo para sa kanya. Mapalad ang 5, 19, 28, 33, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra Om.” Blue at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa sandaling nalusutan ang kasalukuyang problema giginhawa ka na rin! Sa pinansyal, sa susunod na buwan, unti-unti na uling dadami ang pera. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin kaysa mag-away na naman kayo. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Samantalahin ang pagkakataon ang magandang kapalaran ay paparating na. Sunggaban ang pagkakakitaang inaalok ng isang Aries. Sa pag-ibig, wag ng ipagpaliban pa ang magagawa ngayon – romansahin ang kasuyong katakamtakam. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Gohan-Rama.” Blue at silver ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Para maiba naman, maghanap ng isang romantiko pero mumurahing restaurant at doon kayo mag dinner date. Sa pinansyal, kahit mura lang ang regalo kung galing naman sa puso, nakakikilig na rin ito sa pagbibigyan. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pag-ibig wag pagdamutan ang kasuyo – Araw ng mga Puso ngayon! Ibili mo siya ng tatlong pulang rosas. Kung ikaw ay babae, malaking bagay na sa isang lalaki na bulungan mo siya ng “I love u” sabay kiss sa lips, habang medyo titingkayad ka pa ng bahagya. Mapalad ang 4, 16, 19, 21, 26, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Maneh-Om.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Wag mapagod sa paghihintay. Kung walang dumating ngayong Valentine’s day, sa buwan ng Marso grande at bonggang-bonggang suwerte ang mapapasa iyo na may kaugnayan sa pag-ibig at pinansyal. Umuwi ka na at magpahinga kaysa maghintay sa wala. Mapalad 7, 16, 23, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gray at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending