Pakakasalan na kaya ng ka-live in? (2) | Bandera

Pakakasalan na kaya ng ka-live in? (2)

Joseph Greenfield |February 14,2016
facebook
share this

Pakakasalan na kaya ng ka-live in? (2)

Joseph Greenfield - February 14, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Amelia ng San Francisco, Bombon, Camarines Sur
Problema:
1. Sa darating na February 14 mag-a-apat na taon na kaming nagsasama ng ka-live in partner ko na si Jerry at may isang anak na kaming babae. Kaya lang noon nya pa sa aking sinasabing magpapakasal kami, pero hanggang ngayon di pa nya tinutupad, ako naman si asa na lang ng asa na parang wala namang aasahan. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil tulad ng ibang mga babae, pangarap ko rin lumakad sa harap ng altar at mag-suot ng damit pang-kasal at magkaroon ng legal na asawa.
2. Sa palagay nyo may pag-asa kayang pakasalan ako ng kinakasama kong ito kahit na civil wedding lang kung talagang di naman kaya ang kasal sa simbahan? Natatakot din akong baka bigla na lang nya akong iwanan at sa bandang huli ay ibang babae ang kanyang pakasalan. Compatible ba kami at kami na ba ang magsasama habang buhay? May 2, 1989 ang birthday ko at January 17, 1983 naman ang birthday ng lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Amelia ng Bombon,
Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Capricorn naman ang kinakasama mo ay nagsasabing compatible kayo. Nangyari, dahil ang Taurus at Capricorn ay kapwa pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Dahil dito, malaki ang tsansa na kayo na nga ang magsasama habang buhay.
Numerology:
Ang birth date mong 2 na isang “weak number” ay sadyang tugma din sa birth date na 17 na isang “strong number” ng lalaking kinakasama mo. Kung saan, ang pagsasama ng “strong at weak number” ay sadyang tugma, compatible at mabisa.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang masayang pagsasama ninyo ng ka-live-in partner mo at kapag sinusuwerte ay yayain ka na ring pakasal, ugaliing gumamit lagi ng kulay na berde at pula. Ang nasabing kulay, ang lalo pang magbibigay linamnam at ligaya sa inyong pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Amelia darating ang panahong matutupad din ang isang bagay na malaon mo ng kinaiinipan sa iyong buhay, at ito ay ang pakasalan ka ng kasalukuyang lalaking kinakasama mo. Kung saan, ayon sa iyong kalaran ang nasabing pagpapakasal ay magaganap sa susunod na taong 2017 sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo sa edad mong 28 pataas, na ang nasabing kasalan ay tuluyan na ring hahantong sa isang mas maunlad at mas maligayang relasyon habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending