Ahron umamin na sa tunay na relasyon nila ni Kakai: Nasa next level na! | Bandera

Ahron umamin na sa tunay na relasyon nila ni Kakai: Nasa next level na!

Ervin Santiago |February 14,2016
facebook
share this

Ahron umamin na sa tunay na relasyon nila ni Kakai: Nasa next level na!

Ervin Santiago - February 14, 2016 - 02:00 AM

kakai

Ang haba-haba ng hair ng Dental Diva na si Kakai Bautista! E, kasi nga, mismong ang hunk actong nang si Ahron Villena ang umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon.

Sa presscon ng latest offering ng Star Cinema, ang sex-comedy-drama na “Always Be My Maybe” na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at Gerald Anderson showing on Feb. 24 nationwide, sinabi ni Ahron na nasa next level na ang special friendship nila ni Kakai.

Kitang-kita naman sa mga Instagram post ng dalawa na very close na sila sa isa’t isa, patunay diyan ang kanilang mga litrato na sweet na sweet, lalo na yung mga kuha sa recent vacation nila sa isang beach resort.

“Ang masasabi ko, parang may nabasa akong quote nung isang araw na pag yung isang tao pinapasaya ka at pinapalungkot ka at the same time, puwedeng maging totoo yun.

Kasi ibig sabihin, worth it yung taong yun kasi yung emotions na binibigay niya sa ‘yo yun na yun,” ang makahulugang pahayag ni Kakai nang tanungin tungkol sa relasyon nila ni Ahron.

Sey naman ng gwapong aktor, “Actually, matagal na po talaga kami naging close ni Kakai. Wala pa po siya sa Your Face Sounds Familiar, naging close na po kami ni Ms. Bautista nung kami’y nag-show sa Japan. Dun po nag-start ‘yan.”

Hirit pa ng binata, “I can say na ngayon po kasi yung status namin ni Kakai, talagang siguro nasa next level na. Kumbaga, parang maybe, maybe, ‘di ba? For now, we’re just enjoying our company and masaya po.

Tama si Kakai, tulad ng sabi niya – masaya, minsan malungkot, minsan magseselos siya. Hindi, joke!
Sila rin daw ang magka-date ngayong Valentine’s day, “Magkasama po talaga kami ni Kakai sa Feb. 14 kasi may trabaho po kami sa Abra.

May show po kami doon. Ano po, show, tapos date, lahat-lahat doon na. Tapos baka mag-La Union na rin po kami, ganu’n.” Kitang-kita naman sa reaksiyon ni Kakai ang pagkabigla sa mga sinasabi ni Ahron, “Hindi ko alam kung ano… huwag mo naman ako masyado biglain, a! Para makapag-ready naman ako, makapagdala ako ng nighties!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending