Liza kay Enrique: Bigyan mo pa ako ng time para sure!
Liza Soberano was asked by Boy Abunda kung ibinigay na ba niya ang kanyang matamis na “oo” kay Enrique Gil. “Basta ang sinabi ko po sa kanya ay bigyan niya ako ng time na paghandaan ‘yung sarili ko.
I just really need to be sure,” ang sagot ng dalaga. Ang sabi naman ni Enrique he’s willing to wait kung kailang magiging handa si Liza na pumasok sa isang serious relationship.
He believes na hindi minamadali ang pakikipagrelasyon kaya naiintindihan niya si Liza kung humingi pa ito ng time para pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay.
Anyway, siguradong inaabangan na ng kanilang fans ang bagong serye nila sa ABS-CBN na Dolce Amore. Mapapanood na ito simula bukas sa Primetime Bida replacing Pangako Sa ‘Yo.
Makakasama rin sa Dolce Amore sina Matteo Guidicelli, Cherie Gil, Edgar Mortiz, Rio Locsin, Kean Cipriano, Sunshine Cruz, Andrew E, at Frenchie Dy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.