Bagong serye ni Claudine sa TV5 punumpuno ng hugot lines; puring-puri ng showbiz press | Bandera

Bagong serye ni Claudine sa TV5 punumpuno ng hugot lines; puring-puri ng showbiz press

Cristy Fermin |February 14,2016
facebook
share this

Bagong serye ni Claudine sa TV5 punumpuno ng hugot lines; puring-puri ng showbiz press

Cristy Fermin - February 14, 2016 - 02:00 AM

claudine barretto

Bibihira ang personalidad na matagal na namahinga sa pag-arte na pinapalakpakan sa kanyang pagbabalik. Masuwerte si Claudine Barretto dahil maraming nagbibigay ng obserbasyon na parang hindi kinalawang ang kanyang talento nang dumaan siya sa isang matinding problemang pampamilya.

Kuwento ng aming kaibigan sa TV5 na nakapanood sa unang linggong episode ng Bakit Manipis Ang Ulap, “Nakakahanga si Claudine. Napakatagal niyang hindi umarte, pero sa pagbabalik niya, e, may maipagmamalaki pa rin siyang talent!

“Imagine, parang hindi siya nagpahinga, para bang tuluy-tuloy lang siyang umarte nu’ng mga nakaraang taon, magaling pa rin siya!” humahangang kuwento ng aming kasamahan. Bukas nang gabi ay magsisimula na ang unang seryeng binuo ng TV5 at Viva Entertainment na pinagbibidahan nina Cesar Montano, Diether Ocampo at Claudine Barretto.

Sa pagkukuwento pa ng mga nakapanood sa pang-unang linggong sultada ng Bakit Manipis Ang Ulap ay maraming eksenang tatatak sa puso ng manonood dahil sa kanilang mga hugot lines.

Magagaling ang mga artista ng serye, maganda ang production design at kitang-kita sa pagganap ng mga artista ang tatak ni Direk Joel Lamangan sa pamamahala ng proyekto, katutuk-tutok nga ang Bakit Manipis Ang Ulap ng TV5.

Masuwerte talaga si Claudine Barretto sa kanyang pagbabalik dahil hindi lumabnaw ang kanyang acting. Pasable sa ipinakita niyang pagganap ang metikulosong direktor ng kanilang serye, ibinigay niya ang higit pa sa inaasahan ni Direk Joel, du’n pa lang ay panalung-panalo na ang seryeng mapapanood na natin bukas nang gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending