Love scene nina Gerald at Arci sa pelikula buong araw kinunan | Bandera

Love scene nina Gerald at Arci sa pelikula buong araw kinunan

Ervin Santiago |February 14,2016
facebook
share this

Love scene nina Gerald at Arci sa pelikula buong araw kinunan

Ervin Santiago - February 14, 2016 - 02:00 AM

gerald anderson

HALOS isang buong araw kinunan ang matinding love scene nina Gerald Anderson at Arci Munoz para sa post-Valentine offering ng Star Cinema na “Always Be My Maybe.”

Ayon kay Gerald, bilib na bilib siya sa professionalism ni Arci dahil game na game ito sa nasabing eksena, wala raw itong reklamo kahit na ang hihirap ng ipinagawa sa kanila ng kanilang direktor na si Dan Villegas.

“Nagulat ako kasi sobrang professional ni Arci kasi mahirap po yung ginawa niya, e. Medyo daring talaga siya dito and yung eksena sinyut po namin ng napakatagal din, ilang hours. Isang buong araw, yun lang po yung eksena namin, yung love scene na ‘yun.

“And she was really sobrang ganda niya, lahat na? Ang eksena kasi siya yung magti-tease kay Jake, yung karakter ko sa movie. Maganda, napakanatural ng eksena,” pahayag pa ng hunk actor.

Inamin naman ni Arci na napanganga siya nang makita na ang hubad na katawan ni Gerald sa shooting ng “Always Be My Maybe”. Feeling nga ng dalaga sinasabotahe siya ni Gerald kapag nasa set sila.

“Sina-sabotage niya ako! Lagi niya akong pinapakain kapag may mga love scene kami. Si Ge, nagda-diet talaga siya, as in strict diet so ako naman chichirya. Tatanungin pa niya ako, ‘May gusto ka?’ ‘Chichirya lang.’ Tapos magpapabili siya ng chichirya sa lahat.

“E, may time na may shoot kami nagpapakain siya, nagpapakain siya sa lahat, very generous,” chika pa ni Arci na siguradong kababaliwan ng mga kalalakihan at katomboyan sa movie nila ni Gerald.

Hirit pa ni Arci, “Nu’ng love scene paka-tanggal ng shirt as in…ako kunyare yung nagti-tease, pagtanggal sabi ko… (laglag-panga)! ‘Ang ganda ng katawan, nakakainis. Kaya pala ako palaging pinapakain kasi siya ang ganda ng katawan niya!”

Bilang ganti, pinuri rin ni Gerald ang kaseksihan ng kanyang leading lady, “Sobrang sexy po niya abangan niyo po ‘yan!’ Diretso namang sinabi ni Arci na kung wala siyang boyfriend ngayon, hindi imposibleng ma-in love siya kay Gerald, “Why not? E, nasa kanya naman yung mga katangian ng hinahanap ng isang babae.”

Samantala, saludo naman sina Gerald at Arci sa direktor nilang si Dan Villegas dahil napakametikuloso nito sa mga eksena, “Ang gusto kasi niya magmukha talaga siyang makatotohanan. Kunware ganito, nag-uusap lang tayo ganyan, walang arte.

Kaya every time na may eksena kaming ganun, sinisita niya kami. ‘Wag kayong um-acting, shot muna kayo para mukhang totoo!” Naging emosyonal naman si Arci nang marinig ang mga papuri ng mga kasamahan niya s pelikula at sinabing siya na raw ang “the next big thing” sa Philippine showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para po masabi nila ‘yan sa akin, hindi ko na po alam kung paano na po sila mapapasalamatan. Yun lang po. Ano lang yan, e, pana-panahon lang talaga.” Nu’ng inalok daw siya ng Star Cinema na gawin ang “Always Be My Maybe” ay talagang na-shock siya, “Na-surprise ako nu’ng pinrsent nila, pini-pitch nila ako for the movie, sabi ko, ‘Sigurado po ba kayo? Ako po ba talaga?’ ‘Ano gusto mo ba talaga?’ tinatanong ako ni Direk Dan.

Sabi ko, ‘Kayo po. Gusto niyo po ba ako? Sigurado ba kayo?’ Kasi hindi talaga ako makapaniwala.”
Anyway, ngayong Valentine’s day, magkasamang magse-celebrate sina Gerald at Arci dahil kailangan nilang tapusin ang ilan pang mahahalagang eksena sa kanilang movie. Showing na ito sa Feb. 24 natinwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending