LizQuen, KimChi may inamin kay Korina | Bandera

LizQuen, KimChi may inamin kay Korina

Ervin Santiago |February 14,2016
facebook
share this

LizQuen, KimChi may inamin kay Korina

Ervin Santiago - February 14, 2016 - 02:00 AM

korina sanchez

KAABANG-ABANG ang Valentine episode ngayong gabi ng Rated K ni Korina Sanchez-Roxas na may pamagat na “Kilig Much”. Punumpuno ng romansa, kiligan, at hugot overload ang episode ng Rated K tonight na talaga namang swak na swak para sa araw ng mga puso.

May aaminin sina Liza Soberano at Enrique Gil o mas kilala bilang LizQuen kay Koring at ipapasilip din nina Kim Chiu at Xian Lim sa misis ni presidentiable Mar Roxas kung paano nila ipagdiriwang ang Valentine’s day.

Magbibigay din ng mga kakaibang tips si Korina tungkol sa iba’t ibang paraan kung paano pakiligin ang ating mga minamahal ngayong araw mg mga puso at may special report din ang Rated K sa sikat na sikat na “text-serye” love story na nag-viral sa social media.

Halos 12 taon nang namamayagpag sa ere ang Rated K at nagwagi ito bilang Best Magazine Show sa katatapos lamang na PMPC Star Awards for TV at si Koring naman at nagwagi bialng Best Magazine Show Host.

Nitong Enero, ayon sa national survey ng Kantar Media, isa ang Rated K sa mga most watched television shows sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Samantala, nang naitanong kay Koring kung paano nila ipagdiriwang ng mister na si Mar Roxas ang Valentine, biglang kumislap ang mata ng beterenang broadcast journalist at kinilig.

“Simple lang kami ni Mar. Hindi namin masyadong inaabala ang Valentine,” kuwento ni Korina. “Ang importante magkasama kami. Masaya na kaming magkasalo sa isang tahimik na tanghalian o hapunan.

Pero kung may hinanda siyang espesyal, aba eh, okey na okey din sa akin ‘yun.” Tutukan ang Rated K mamayang gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng Pilipinas Got Talent at bago mag-Gandang Gabi Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending