Benepisyo ng Paternity leave | Bandera

Benepisyo ng Paternity leave

Liza Soriano |February 13,2016
facebook
share this

Benepisyo ng Paternity leave

Liza Soriano - February 13, 2016 - 07:06 PM

MAGANDANG araw sa Aksyon Line, may gusto lang po akong malaman tungkol sa paternity leave .

Ang sabi ng OB Gyne ng misis ko ay mga first week ng March ay maaari nang ma-nganak ang misis ko kaya pwede na kaming mamili kung anong date sa unang linggo ng March dahil siya ay caesarian dahil na rin sa placenta previa.

First baby po namin kaya naman excited ako sa magiging baby namin pero gusto ko rin sana na ako mismo ang mag-alaga sa misis ko lalot medyo maselan ang kanyang sitwasyon. Ang problema ay baka hindi naman ako payagan ng kumpanya namin.

Ako ay isang IT sa isang malaking company sa Makati kaya gusto ko sanang itanong kung maaari kong magamit ang aking paternity leave at may makukuha ba akong sweldo kahit ako ay naka leave?
Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan. Mara-ming salamat in advance.

Luisito Gonzaga
1135 Wagas st.
Tondo, Manila

REPLY: Ang paternity leave ay ipinagkakaloob sa lahat ng kasal na lalaking manggagawa sa pribadong sektor, ano pa man ang kanilang estado bilang manggagawa.

Layunin ng benepisyong ito na payagan ang empleyadong lalaki na makatulong sa kanyang asawa sa panahon ng pagpapagaling/pagpapalakas nito/o sa pag-aaruga ng kanilang bagong silang na sanggol.

Ang benepisyo ng paternity leave ay maa-ring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat na na panganganak ng legal na asawa na kanyang kapisan.

Ang paternity leave ay sa loob ng pitong calendar days na binubuo ng basic salary at mandatory allowances na itinakda ng Regional Wage Board, kung mayroon man, at hangga’t maari, ang kanyang sweldo ay hindi bababa sa itinakdang minumum wage.

Ang paggamit ng paternity leave ay pagkatapos ng panganganak, nang hindi sumasalu-ngat sa patakaran ng maypagawa na pahintulutan ang manggagawa na gamitin ang nasabing benepisyo bago o sa mismong araw ng pa-nganganak, ngunit dapat na ang kabuuang bilang ng araw ay hindi hihigit sa pitong araw para sa bawat nasasaklaw na panganganak.

USEC Nicon Fameronag
Spokesperson/ USEC for workers employability and entreprenuership
DOLE

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending