Diet nanggigil sa hubad na katawan ni Meg Imperial; tumodo sa halikan | Bandera

Diet nanggigil sa hubad na katawan ni Meg Imperial; tumodo sa halikan

Reggee Bonoan |February 14,2016
facebook
share this

Diet nanggigil sa hubad na katawan ni Meg Imperial; tumodo sa halikan

Reggee Bonoan - February 14, 2016 - 02:00 AM

diether ocampo

BUKAS na mapapanood ang seryeng Bakit Manipis Ang Ulap? sa TV5, 8:30 ng gabi na pagbibidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Meg Imperial, Bernard Palanca at Cesar Montano produced ng Viva Television at ng Kapatid Network.

Ipinagmamalaki talaga nina Viva boss Vic del Rosario, Direk Joel Lamangan at lahat ng bumubuo ng seryeng Bakit Manipis Ang Ulap? dahil inimbita pa talaga nila sina TV5 Chairman Manny V. Pangilinan at TV5 President at CEO Noel C. Lorenzana sa ginanap na advanced screening nito sa SM Aura kamakailan.

Alam naman ng lahat kung gaano ka-busy si MVP pero nagawa nitong tapusin ang isang linggong episode ng nasabing soap. At talagang proud din si MVP sa magandang pagkakagawa ng Bakit Manipis Ang Ulap? kaya naman puring-puri niya ang Viva TV at si direk Joel at siyempre ang mga artistang nagsiganap sa pangunguna nina Claudine, Cesar, Bernard, Diether at iba pa.

Big scene kaagad ang unang linggong pasabog ng serye dahil unang gabi pa lang ay wedding scene na agad nina Roxanne Barcelo at Bernard bilang si Migs na ex-boyfriend ni Claudine na gaganap bilang si Marla.

Kung hindi dahil kay Diether na gumaganap sa karakter ni George (half-brother ni Bernard) ay tuluyan nang nag-iskandalo si Claudine sa simbahan dahil alam nitong siya ang tunay mahal ni Bernard at napilitan lang pakasalan si Roxanne para iligtas ang naluluging negosyo ng pamilya nila.

Magkaklase at magkaibigan sina Diether at Claudine sa kolehiyo, hanggang sa dumating sa eksena si Bernard at ma-in love kay Claudine na wala namang kaalam-alam sa tunay na feelings ni Diet sa kanya. Itinago lang kasi niya ito sa loob ng mahabang panahon.

Bagama’t may asawa na si Bernard ay hindi pa rin niya binibitawan si Claudine bagay na ikinagalit ng husto ni Diether dahil pumayag nga itong maging kabit. Para tuluyang malimutan ni Diet si Claudine ay nagpakalayo-layo ito, nilibot niya ang buong Pilipinas hanggang sa makilala si Meg Imperial.

Sa first week pa lang ng BMAU ay may halikan at bed scene na agad ang dalawa. Kitang-kitang namin kung paano nanggigil ang aktor sa intimate scenes nila ni Meg, mukhang na-miss ni Diet ang mga ganitong eksena. He-hehehe!

Samantala, sa paglipas ng panahon, nakilala naman ni Claudine si Cesar Montano bilang si Ricardo na naging regular customer sa restaurant na pinagtatrabahuan niya. Matagal na siya nitong inaalok ng kasal pero hindi niya ito sineseryoso dahil si Bernard pa rin ang kanyang mahal at tuloy nga ang pagiging kabit niya.

Hanggang sa isang gabing hindi na naman sumipot si Bernard sa usapan nila kaya agad na tinawagan ni Claudine si Cesar at sinabing handa na siyang pakasal dito. Pero nagulat siya nang malamang isa palang mayamang negosyante si Cesar.

At mas magiging masalimuot ang kuwento kapag nalaman na niya na anak pala ni Cesar si Meg na karelasyon na ni Diether. Sa second week na ng soap mari-reveal ang relasyon ni Cesar kay Meg at ang pakikipagmabutihan nito sa kanyang dating best friend.

Maski na matagal nang hindi nakagawa ng serye si Claudine ay hindi pa rin nawala ang galing niya sa pag-arte kaya naman puring-puri siya ng lahat at maski na medyo chubby siya sa screen ay ang ganda-ganda ng rehistro ng mukha niya sa screen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang tanong naman ng ilang katoto ay kung bagong botox ba si Diether nang kunan ang mga eksena niya sa BMAU, kapansin-pansin kasi na hindi masyadong gumagalaw ang kanyang mukha, bukod pa yan sa sobrang modulated ng boses niya na kung minsan ay hindi na bagay sa eksena.

Anyway, maganda ang simula ng Bakit Manipis Ang Ulap? at sana’y hindi ito lumaylay. At kung ganito lagi ang kalidad ng mga serye ng Viva TV at TV5 ay puwedeng-puwede na silang tumapat sa mga serye ng ABS-CBN at GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending