Kambal ni Chiz pangtanggal stress ni Heart: Nakakabata ang mga kids! | Bandera

Kambal ni Chiz pangtanggal stress ni Heart: Nakakabata ang mga kids!

Ervin Santiago |February 13,2016
facebook
share this

Kambal ni Chiz pangtanggal stress ni Heart: Nakakabata ang mga kids!

Ervin Santiago - February 13, 2016 - 02:00 AM

chiz escudero

PANGTANGGAL stress ni Heart Evangelista ang kambal na anak ni Sen. Chiz Escudero na sina Chesi at Quino. Malapit na malapit na ang dalawang bagets sa Kapuso actress dahil na rin sa regular bonding moments nila.

Ayon nga kay Chiz, mas klik pa ang kambal sa kanilang Tita Heart dahil na rin daw sa mas konti ang age gap nila. Dahil magiging 31 anyos pa lang si Heart sa Peb. 14, mas alam daw ng kanyang asawa ang mga kinahihiligan ng mga kabataan ngayon lalo na ang mga usong kanta.

“Mas nagkakasundo sila siguro kasi mas malapit yung edad ni Heart sa anak ko kaysa ako,” sey ni Chiz sa isang panayam. Kamakailan ibinahagi ni Heart sa kaniyang mga follower sa Instagram ang letter ni Chesi sa kanila ni Chiz na labis na ikinatuwa ng aktres.

“Dear Tita Heart and Daddy, Thank you for being kind and for teaching me how to act properly. I am sorry that sometimes I don’t follow you. I am happy that I have both of you.

Love, Chesi,” ang laman ng maikling sulat ni Chesi. Masaya si Chiz sa mga pangyayari dahil palagi raw niyang isinasaalang-alang ang kaniyang mga anak sa naunang asawa. “Sa ngayon kasi nasa mura pa silang edad, mas ako ang nagdedesisyon para sa kanila.

Pero, kabilang palagi sa pagdedesisyon ko ang mga anak ko. Maski na noong nagpakasal ako kay Heart. Tinanong ko rin sila,” paliwanag pa ng senador.

Sey naman ni Heart, nawawala ang pagod at stress niya kapag nakakasama sila ng kambal, iba pa rin daw kasi ang feeling kapag mga bagets ang kasama niya sa paglalaro at pagbabasa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending