Jiro may iba pang 'sakit' kaya ibinalik sa rehab; Ai Ai nakiusap sa bashers | Bandera

Jiro may iba pang ‘sakit’ kaya ibinalik sa rehab; Ai Ai nakiusap sa bashers

Ervin Santiago |February 13,2016
facebook
share this

Jiro may iba pang ‘sakit’ kaya ibinalik sa rehab; Ai Ai nakiusap sa bashers

Ervin Santiago - February 13, 2016 - 02:00 AM

aiai delas alas

Nakiusap si Ai Ai delas Alas na sana’y huwag nang pagsalitaan ng kung anu-ano ang anak-anakan niyang si Jiro Manio na ibinalik nga nila sa rehabilitation center kamakailan para ituloy ang gamutan.

Kinumpirma ng komedya na tumatayong guardian ni Jiro na nasa rehab uli ang dating child actor ngunit hindi raw ito dahil sa droga kundi dahil sa iniinda nitong karamdaman.

Sa panayam ng GMA kay Ai Ai kailangan daw nilang gawin ito kahit masakit sa kanyang kalooban dahil kailangan nilang siguruhin ang kundisyon ng batang ama.

“Hindi po siya nagda-drugs. Sabi ni Doktora, he’s chronically ill, and ayoko po sanang sabihin, pero may sakit po si Jiro. Hindi siya stable,” paliwanag ni Ai Ai.

Kung matatandaan nitong nakaraang buwan lang lumabas sa rehab si Jiro at sinabi ni Ai Ai noon sa kanyang Instagram post na magaling na ang aktor. Ngunit binawi nga niya ito makaraan ang ilang araw.

May mensahe naman ang komedyana para sa mga nanghuhusga kay Jiro, “Yung dignity naman nu’ng bata, e, iwan natin sa kanya. Hindi po siya addict, meron lang po talaga siyang sakit.”

Hirit pa nito, “Du’n po sa iba na itsinitsismis pa si Jiro, sana po patahimikin na natin siya kasi nandu’n na po siya sa loob.

“Marami po tayong hindi alam sa pinagdaanan ni Jiro, so siguro mas magiging maganda kung tatahimik na lang po tayo dahil wala namang magandang naidudulot yun para sa kanya,” dugtong pa ni Ai Ai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending