Julian Trono: Sure na sure, wala akong nude photo at sex video! | Bandera

Julian Trono: Sure na sure, wala akong nude photo at sex video!

Ervin Santiago |February 13,2016
facebook
share this

Julian Trono: Sure na sure, wala akong nude photo at sex video!

Ervin Santiago - February 13, 2016 - 02:00 AM

julian trono

“SURE na sure, wala akong nude photo o sex video!” Ito ang mariing sinabi ng Kapuso young singer-actor na si Julian Trono nang tanungin sa sunud-sunod na paglabas ng mga video scandal ng ilang male celebrities.

Ayon kay Julian nang nakachika ng ilang entertainment writer sa press launch ng all-star charity album ng GMA Records titled “One Heart”, never daw niyang kinunan ng litrato o video ang sarili niya nang hubo’t hubad.

Samantala, mariin ding dinenay ni Julian na dyowa na niya si Kylie Padilla, ang co-star niya sa GMA afternoon series na Buena Familia. Hindi rin daw totoo na nahuli silang naghahalikan ni Kylie. Hinamon pa nga niya na pangalanan ang taong diumano’y nakakita sa kanila na naglalampungan sa dilim.

Pero kahit na super tanggi ang binatilyo tungkol sa relasyon nila ni Kylie, hindi pa rin kumbinsido ang mga kausap niyang showbiz reporter. Marami na kasi ang nagpapatunay na sila na talaga. At wala rin kaming nakikitang masama kung maging magdyowa man sila dahil pareho naman silang single ni Kylie.

Anyway, very happy si Julian na napasama siya sa “One Heart” charity album ng GMA Records na magiging available na sa mismong Valentine’s Day in digital format.

Ang Kapuso Foundation na pinamamahalaan ng award-winning broadcaster na si Mel Tiangco ang beneficiary ng album sales ng “One Heart”. Talagang nagpunta rin si Mel sa ginanap na press launch ng album para personal na magpasalamat sa lahat ng GMA artists na nakiisa sa makabuluhang proyektong ito.

Bukod Julian, kasama rin sa album ng GMA Records sina Gabbi Garcia, Betong Sumaya, Kylie Padilla, Kristoffer Martin, Ruru Madrid, Glaiza de Castro, James Wright at marami pang iba.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending