Hamon ni Angel: Maglabas kayo ng ebidensya na bading si Luis | Bandera

Hamon ni Angel: Maglabas kayo ng ebidensya na bading si Luis

Jobert Sucaldito |February 13,2016
facebook
share this

Hamon ni Angel: Maglabas kayo ng ebidensya na bading si Luis

Jobert Sucaldito - February 13, 2016 - 02:00 AM

luis manzano

GUSTONG magpaka-“gentleman” kuno itong si Angel Locsin nang pagalitan niya ang isang netizen who posted sa social media that her ex-boyfriend Luis Manzano is silahis. Nagtatalak daw si Angel at sabi’y sasapukin niya ang sinumang magsabing bakla ang kaniyang boyfriend.

“Marami siyang masasapok niyan dahil matagal nang pinagdududahan ang gender ni Luis. Ha-hahaha! Hindi ba niya alam na kalat na ang chikang yan noon pa. Echoserang frog naman itong si Angel,” pambubuwisit pa ng isa naming friend.

Grabe naman kayo kung husgahan si Luis. Hindi porke naglolokohan sila ni Billy Crawford sa Pilipinas Got Talent before ay sila na. Joke, joke lang nila iyon. Tama naman si Angel eh, kung wala rin lang kayong ebidensiya para patunayang bading or silahis ang dyowa niya huwag kayong parang mga ano diyan. Wala kayong karapatang magbintang.

“Pa-echos lang ni Angel iyan para hindi na magsalita si Luis tungkol sa kanilang paghihiwalay. May mas malalim kasing dahilan kung bakit sila nag-break at para maibsan ang galit ni Luis, idinepensa kuno niya si Luis.

“Kung gusto niya ganito na lang, sige hindi bading or silahis si Luis, siya na lang ang pagdudahan natin ang gender – gusto ba niya iyon? Sabihin nating boyish naman siya. Puwede, di ba? May narinig kasi kami,” anang isang source namin.

Wait! Wait lang! Ano na naman iyan? Grabe naman kayo. Si Angel naman ang binabalikan ninyo. Huwag naman ganoon. Masama ang magbintang, bah! Walang pakialamanan ng buhay, sige kayo, baka hindi lang sapak ang abutin ninyo kay Angel – baka ma-flying kick kayo. Kayo rin.

Anyway, speaking of Angel, umalis na raw ito patungong Singapore para sa kaniyang ikalawang surgery sa spine – tama ba? “They call it spine bulge yata,” sey ng friend kong matalino pero di naman sure. Ha-hahaha! Baliw din, di ba?

Nakuha raw ito ni Angel dala ng sobrang pagiging athletic. Di ba naman at madalas nakikita itong naka-backpack para sa kung anu-anong hobby ng lalaking hilig niya. Kaya siya siguro napagkakamalang tomboyita dahil sa ganoong hilig.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending