Maseselang eksena ni JM sa 'Tandem' di pinutol ng MTRCB | Bandera

Maseselang eksena ni JM sa ‘Tandem’ di pinutol ng MTRCB

Reggee Bonoan |February 13,2016
facebook
share this

Maseselang eksena ni JM sa ‘Tandem’ di pinutol ng MTRCB

Reggee Bonoan - February 13, 2016 - 02:00 AM

jm guzman

Hanep ang akting ni JM de Guzman sa “Tandem” kaya tama lang na siya ang nanalong Best Actor sa nakaraang 2015 Metro Manila Film Festival para sa New Wave category na idinirek ni King Palisoc handog ng Quantum Films, Tuko Film Production at Buchi Boy Films.

Hindi rin naman nagpatalo si Nico Antonio bilang kuya ni JM sa pelikula dahil magaling din ito sa movie. Nagulat nga kami dahil marunong din palang magdrama ang panganay ni Atty. Joji Alonso dahil nasanay na kaming lagi siyang laughing stock sa mga serye at pelikulang ginagawa niya.

Napaka-natural umarte nina JM at Nico, effortless ang atake nila bilang magkapatid na nagtutulungan at nagtatakipan sa mga masasama nilang gawain. Magka-tandem sila sa pagnanakaw pero kapag minalas ay kailangan nilang patayin ang biktima.

First directorial job ito ni direk King Palisoc at nakilala muna siya bilang writer ng “Babe I Love You” (2010) nina Anne Curtis at Sam Milby at ang “Bang Bang Alley” (2014) kung saan naging co-director niya si Ely Buendia.

Mapakanatural ng mga dayalogo sa pelikula kaya isa ito sa nagpaganda sa istorya dahil isinunod sa uso at hindi ‘yung masyadong ingat dahil natatakot na baka makatay sila ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board.

Nag-level up na rin ang MTRCB dahil hindi na sila masyadong nagpuputol ngayon lalo na kung kailangan sa eksena at kung may mga delikado ay bibigyan nila ng rating na hindi puwedeng mapanood ng bata katulad nitong “Tandem” na binigyan ng R-16 kasi naman, ang tindi ng love scene nina JM at ng girlfriend niya na pati mga katoto ay talagang hiyawan habang pinapanood ang aktor pero nakakuha naman ng Grade A sa Cinema Evaluation Board.

Gusto namin ang istorya ng movie at sana tangkilikin ito ng lahat simula sa Peb. 17.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending