Angelica pinuri sa 'Sapakan Scene' ng PSY; di apektado ng lovelife ang trabaho | Bandera

Angelica pinuri sa ‘Sapakan Scene’ ng PSY; di apektado ng lovelife ang trabaho

Reggee Bonoan |February 13,2016
facebook
share this

Angelica pinuri sa ‘Sapakan Scene’ ng PSY; di apektado ng lovelife ang trabaho

Reggee Bonoan - February 13, 2016 - 02:00 AM

angelica panganiban

NAPANOOD namin ang episode ng Pangako Sa ‘Yo kung saan sinugod nina Jodi Sta. Maria at Amy Austria si Angelica Panganiban sa bahay nito, talagang sapakan to death ang nangyari kung saan puring-puri ng netizens si Angelica.

Komento ng mga kakilala naming nakapanood din ng nasabing episode, “Ang galing-galing ni Angel ha, halatang may pinagdadaanan, dito niya hinugot lahat ng emosyon niya.”

Mahusay naman talagang artista si Angelica, ‘yun nga lang mas bagay sa kanya ang kontrabida kaysa maging bida dahil ang lakas ng personalidad niya.

Di ba nga bossing Ervin kapag presscon na kasama si Angelica ay idinadaan niya sa pasimpleng taray ang mga sagot niya para hindi na siya matanong lalo na kapag may problema o isyu siyang kinakaharap.

Pero kapag masaya at okay ang lovelife o walang isyu sa kanta ay masarap naman siyang ma-interview, ‘yun nga lang, mas madalas ang hindi.

Anyway, bet namin si Angelica for best actress para sa Star Awards for TV sa susunod na taon dahil hindi madali ang mga ginawa niya sa PSY, huh!

Tinanong namin ang taong malapit kay Angelica kung ano ang next project nito, ang sabi magpapahinga raw muna ang aktres sa paggawa ng serye. Tuluy-tuloy pa rin naman daw ito sa gag show ng Dos na Banana Sundae.

“Masaya po si Angel sa show, tawanan nga ng tawanan lahat, lalo na sa hugot lines, aliw po. I think kaya naman niyang ihiwalay ang work sa kanyang personal problem,” sabi pa ng aming source

At least hindi affected ang aktres sa problema nito sa kanyang lovelife na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita tungkol sa break up nila ni John Lloyd Cruz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending