Actor-politician muling sinusuyo ang naanakang aktres | Bandera

Actor-politician muling sinusuyo ang naanakang aktres

Den Macaranas |February 12,2016
facebook
share this

Actor-politician muling sinusuyo ang naanakang aktres

Den Macaranas - February 12, 2016 - 03:00 AM

KAHIT anong gawing panunuyo ay ayaw ng balikan ng isang dating movie actress ang ama ng kanyang anak na isang actor-politician.

Pinanindigan ng dating aktres ang kanyang pagbabagong buhay at kaya daw niyang itaguyod mag-isa ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanilang love child.

Sinubukang mag-artista ng kanilang anak pero hindi niya kinaya ang intriga at pressure. Kaya hindi na rin ito napagkikita sa mga pelikula at maging mga shows sa telebisyon.

Magmula kasi ng malaman sa kanilang school na ang kanyang tatay ay isang kilalang actor-politician ay naging laman na siya ng panunukso at tsismis.

Ilang beses na ring kinumpronta ng dating aktres ang ilang teachers nang nasabing school dahil ang mga ito pa raw ang nagtatanong at nakikitsimis tungkol sa kanilang pamilya.

Minsang nakasama sa pelikula ng actor-politician ang aktres at mula noon ay binakuran na niya ito hanggang sa siya’y ibahay ng matulis nating bida.

Kahit na tutol ang pamilya ng aktres na galing din sa angkan ng mga pulitiko ay wala rin silang nagawa dahil head over heals ang pag-ibig ng aktres sa aktor noong mga panahong iyun.

Pero isang araw, sinabi ng aktres na nagising na lamang siya na para bang nakokonsensiya na siya sa kanilang bawal na relasyon lalo’t may-asawa pa naman ang actor-politician.

Kaya kahit todo ang sustento na kanyang tinatanggap ay nagdesisyon na siyang itama ang kanilang buhay.

Pero lately, ayon sa ating Cricket ay nangungulit na naman si actor-politician at muling nililigawan ang dating aktres.

Sinabi ng ating Cricket na kahit medyo lumaki na ang waistline ng dating aktres ay bakas pa rin ang kanyang beauty dahil sa makinis na at maputing kutis.

Ngayon ay busy ang ating subject sa pagbuhay naman ng kanyang singing career.

Ang dating aktres na ating tinutukoy ay si Actress M….as in Mapagmahal.

Ang actor-politician naman ay si….basta sikat siya lalo na sa mga mahilig sa action movies na may kabayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May reaksyon o komento? I-text ang WACKY, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374 o kaya ay mag-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending