Horoscope, February 12, 2016 | Bandera

Horoscope, February 12, 2016

Madam Sophia |February 12,2016
facebook
share this

Horoscope, February 12, 2016

Madam Sophia - February 12, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Iwasang maging pesimista. Sa negosyo, sa pagiging negatibo maraming oportyunidad ng pagkakaperahan ang mawawala. Sa pag-ibig, kung lagi kang nagiisip ng hindi maganda, paano makakasumpong ng ligaya? Mapalad ang 3, 9, 30, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Unahing maglaan ng budget para sa savings bago maubos ang pera. Sa pag-ibig, ngayon pa lang sabihin na sa kasuyo ang plano mo para sa kanya sa darating na Valentine’s day. Mapalad ang 6, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Lilac at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Iukol ang mga huling taon ng buhay upang paglaanan ang pagpapayaman. Sa pag-ibig, ipalasap na ngayon sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 4, 15, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla”. Purple at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon at pagkain. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang kinikita. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Deva-Aum.” Blue at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag kang magpa-under sa iyong kasuyo. Palutangin ang sariling personalidad upang higit na mas magiging maligaya ang inyong relasyon. Sa pinansiyal, dagdag na negosyong may kaugnayan sa likido at pagkain ang ipatupad. Mapalad ang 4, 19, 25, 36, 45 at 49. Mahiwagang mong mantra, “Hare-Hare-Krisna.”. Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Simple lang ang sekreto ng pagyaman. Mag-tabi muna bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-bukas ng shared account na hindi dapat gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 1, 4, 10, 38, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag umasa sa iba upang matupad mo na rin ang matagal mo nang pinapangarap – ang yumaman! Sa pag-ibig, sa isang paglalakbay may bagong relasyong mabubuo. Sa pinansiyal, ituloy ang naisip na pagkukuripot. Mapalad ang 1, 5, 19, 23, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal-Om.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Maikli lang ang buhay, kaya hindi dapat maghinanakit sa kapwa. Umpisahan mo na ngayong magpakaligaya. Paramihin ng paramihin ang pera. Sa pakikipag-relasyon ibigay ng bukal sa loob ang iyong pagmamahal. Mapalad ang 6, 12, 27, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Pink at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Panatiliin ang kapayapaan ng kalooban! Iwasan ang pakikipag-away. Sa payapang isip mas maraming biyayang makakamit. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at Purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Isang magandang balita ang matatanggap na magdadala sa iyo sa pangingibang bansa. Sa pag-ibig, mananatiling naghihintay ang puso sa isang relasyong hindi naman darating. Laging mag suot ng kulay na pula upang maakit ang suwerte at ligaya. Mapalad ang 3, 9, 18, 21, 30, at 45. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Rajabana.”

Capricorn – (December 22 – January 19)—Matutong magpasalamat sa bawat biyayang natatangap. Sa pag-ibig, bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay, kahit maliit ang kinita, pilitin mo pa ring makaipon. Mapalad ang 4, 13, 17, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mani-Padme-Hum”. Black at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, wag ng maghanap kung saan-saan, di mo ba napapansin katabi mo lang siya? Sa pinansyal, umiwas sa mga taong walang silbi, mahahawa ka lang sa kanila ng katamaran. Mapalad ang 7, 22, 27, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Udatta-Savitra-Om.” Red at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Wag manatiling makaluma! Wag mahirati sa dati ng ginagawa, bagong istilo ng romansa ang dapat. Sa pinansyal, kailangang makaisip ng kakaibang inobasyon, upang mapagkaperahan mo ang modernong teknolohiya. Mapalad ang 1, 19, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Silver at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending