Breakup nina JaDine sa OTWOL iniyakan ng netizens | Bandera

Breakup nina JaDine sa OTWOL iniyakan ng netizens

, |February 11,2016
facebook
share this

Breakup nina JaDine sa OTWOL iniyakan ng netizens

- , February 11, 2016 - 05:51 PM
Figuratively speaking ay bumaha ng luha sa social media, ilang araw bago ang paggunita sa Valentines Day.   At ang rason:  ay ang paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre sa inaabangan at hindi maiwan-iwanang teleserye nila na “On The Wings of Love”. Sa patok na patok nilang OTWOL ay nagkahiwalay ang kanilang mga character na sina Clark (James) at Leah (Nadine). Sa istorya, nagkaraoon ng away ang dalawa, na ngayon ay mag-asawa na, nang papiliin ni Clark si Leah kung sino ang mas importante kung siya ba o ang trabaho sa abroad na inaalok sa kanya ng kanyang boss, na ginagampanan naman ni Paulo Avelino. Pero dahil nga may sakit ang tatay ni Leah, ay mas pinili nitong lumipad sa ibang bansa para makatulong sa pamilya. Nag-iyakan naman ang mga fans ng dalawa sa eksenang ito at nagtrending ang #OTWOLTheHeartbreak at #OTWOLHeartbroken, na ginamit ng ilang netizens para ilabas ang kanilang sama ng loob. “I cried so hard yesterday and most probably till the weekend I will cry pa more,” ang tweet ng isang @lakambini_yap15  “Appetizer pa lang pala ‘yung kagabi? Sana lang ‘di tinaon ng Valentine’s,” ang tanong ng isang @beabert20 Ilang netizens naman ang nagmistulang mga love experts at nagkampihan sa dalawa habang binibigay ang kanilang opinyon sa nangyari.  “Hindi pa siguro nila na-experience magkautang at mangutang na may interest. Lucky them,” ani ni @sasadoil15
“Try reading between the lines. Sorry may mga nagawang mali si Leah, pero si Clark di siya perpekto. Di n’yo lang nakikita,” ang tweet ng isang @thosecitylight.
  Pero tuloy pa rin ang kilig ng mga fans kahit nagkahiwalay na ang karakter nila James at Nadine ng naglabasan sa isang website ang ilang photos na inaayos ni James ang buhok ni Nadine bago ang kanilang eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending