Kailan makakatagpo ng matinong mamahalin? | Bandera

Kailan makakatagpo ng matinong mamahalin?

Joseph Greenfield |February 11,2016
facebook
share this

Kailan makakatagpo ng matinong mamahalin?

Joseph Greenfield - February 11, 2016 - 01:41 PM

Sulat mula kay Lala Sto. Tomas, Tibalog, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Matagal po akong nagtrabaho sa club at dahil sa trabaho kong ito nagkakahiya mang aminin nagkaroon ako ng tatlong mga anak sa ibat-ibang lalaki, kaya sana huwag nyong babanggitin ang tunay kong pangalan at address. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapag-aabroad po ba ako upang hindi na ako umasa pa ng umasa pa sa mga ama ng mga anak ko. Nagpapadala naman sila pero hindi regular. At sa ganitong kalagayan ko bilang isang dalagang ina, dahil hindi naman ako na inuuwian ng mga ama ng anak ko, makakatagpo pa kaya ako ng isang matinong lalaki na magmamahal sa akin habang buhay? December 13, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Lala ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Pamistry:
Sadyang may malilinaw at magagandang Travel Line sa iyong palad, (Illustration 1-1 arrow 1.). Tanda na sa takdang panahon inilaan ng kapalaran, walang mintis may mga mabubunga at maraming biyaya sa pangingibang bansa ang itatala sa iyong karanasan.
Cartomancy:
Ace of Clubs, Jack of Diamonds at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.) ang mga baraha ang nagsasabing sa edad mong 28 pataas, isa-isa ng matutupad ng kusa ang lahat ng pangarap mo sa buhay, makapag-aabroad ka at magkakaroon ng isang matino at tapat na lalaking makakasama mo habang buhay sa kabila ng katotohanang may roon kang mga anak sa pagkadalaga.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending