Diego Loyzaga iwas na iwas sa child abuse case ni Cesar; nagpakatatay sa mga kapatid | Bandera

Diego Loyzaga iwas na iwas sa child abuse case ni Cesar; nagpakatatay sa mga kapatid

Julie Bonifacio |February 11,2016
facebook
share this

Diego Loyzaga iwas na iwas sa child abuse case ni Cesar; nagpakatatay sa mga kapatid

Julie Bonifacio - February 11, 2016 - 02:00 AM

cesar montano

INABUTAN namin si Diego Loyzaga sa baba ng ELJ Building ng ABS-CBN pagkatapos ng thanksgiving presscon ng Pangako Sa ‘Yo na magtatapos this Friday sa Primetime Bida.

Kabilang si Diego sa mga artista na dumalo sa finale presscon ng teleserye na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Talaga naman kasing nagmarka rin ang role ng binata bilang third party sa tandem ng KathNiel.

Inurirat namin kay Diego ang naganap na bonding time nila ng kanyang three half-sisters sa kanyang ama na si Cesar Montano. Super nag-enjoy daw silang magkakapatid at inamin niya na siya talaga ang nag-instigate na magkita-kita sila.

Matagal na raw niyang plano na makita ang kanyang mga kapatid. Bukod sa nami-miss na niya ang mga ito, he wants to know personally on how are they now. As their kuya, concern si Diego on the welfare of her sisters and he wants to always keep in touch with them daw as he can.

Inimbita rin daw niya ang isa pa niyang kapatid kay Cesar na si Angela na meron na ring sariling pamilya. Gusto rin daw sumama ng kanilang Ate Angela pero may nauna na siyang commitment that day.

Nakakasama kasi ni Diego si Angela at ang tatlong anak ni Sunshine noon sa bahay ni Cesar kung saan most of the time ay magkakasama sila na nagba-Bible study. Ayaw namang magbigay ng comment ni Diego sa kasong child abuse against his father.

But definitely, he is sad about the case and he’s hoping na matapos na ang lahat because at the end of the day, si Cesar pa rin daw ang tatay nila. Anyway, nag-iwan nga ng malaking marka ang karakter ni Diego sa Pangako Sa ‘Yo kaya hanggang sa huling linggo ng top-rating drama series ng ABS-CBN ay may mga mabubunyag pa rin na mga sikreto sa kanya bilang anak ni Jodi Sta. Maria.

In fairness, nakipagsabayan din ang team-up ni Jodi with Ian Veneracion kina Daniel at Kathryn sa Pangako Sa ‘Yo. Tinangkilik at minahal ng publiko ang loveteam nina Jodi at Ian na “AmorAdo.”

Sa nalalabing araw ng serye, tuluyan na ngang nalaman nina Amor (Jodi) at Eduardo (Ian) na si Yna at Maria Amor ay iisa, sa kabila ng pagsisikap ni Claudia (Angelica) na itago sa kanila ang katotohanan.

Ngunit kasabay ng pagbubunyag nito ay ang rebelasyong magkapatid sina Yna at Angelo (Daniel), na kamakailan ay nangakong ibibigay ang buong pagmamahal sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib.

Sa nakaraang siyam na buwan, patuloy na namamayagpag ang Pangako Sa ‘Yo at gabi-gabi ring panalo sa puso ng mga manonood. In fact, nakuha ng programa ang all-time high na national TV rating nitong 40.6% noong Martes (Feb. 2), kung saan pinakita ang nalalapit na pagtuklas nina Amor at Eduardo na buhay pa ang kanilang anak na si Maria Amor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naghari rin ang PSY online sapagkat ito ang kauna-unahang teleseryeng nakakuha ng 1 milyong tweets sa Twitter noong Hunyo 2015 sa pamamagitan ng “Batas ng Alipin” episode nito.

Bukod pa riyan, ang PSY rin ang naging most searched na TV series sa bansa noong 2015, ayon sa search engine na Google Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending