Grace: ‘Baka multuhin ako ni FPJ pag pinabayaan ko ang Mindanao!’ | Bandera

Grace: ‘Baka multuhin ako ni FPJ pag pinabayaan ko ang Mindanao!’

Ervin Santiago |February 11,2016
facebook
share this

Grace: ‘Baka multuhin ako ni FPJ pag pinabayaan ko ang Mindanao!’

Ervin Santiago - February 11, 2016 - 02:00 AM

grace poe

INENDORSO ng isang grupo ng mga Pilipinong Muslim ang kandidatura ni Sen. Grace Poe bilang pangulo ng bansa pati na rin ang katambal niyang si Sen. Chiz Escudero.

Balitang nagsenti si Grace sa pagtanggap ng endorsement ng Muslim Movement for Grace-Chiz nitong nakaraang Lunes ng kaniyang maalala kung paano minahal ng kaniyang amang si Da King Fernando Poe, Jr. ang mga kababayang Muslim sa Mindanao.

“Tuwing ako’y humaharap sa ating mga kababayang Muslim, palagi akong sentimental sapagkat hindi naman po kaila sa inyo kung gaano kayo minahal ng aking ama,” sinabi ni Grace sa mga miyembro ng MMGC.

“Minahal kayo ng tatay ko at bilib siya sa inyong tapang at pagmamahal sa inyong bahay at sa inyong kultura,” dagdag pa ng anak ng yumaong Hari ng Aksyon.

Inisa-isa pa ni Grace ang mga pelikulang ginawa ng ama tungkol sa mga Muslim at ng Mindanao tulad ng “Perlas ng Silangan,” ‘Muslim Magnum 357’, “Kahit Butas ng Karayom Papasukin Ko,” at marami pang iba.

“Palagi niyang binibigyan ng halaga ang dignidad, kabuhayan, at kultura ng mga taga-Mindanao lalong-lalo na ang mga Muslim,” ani Grace patungkol sa kaniyang ama.

Pangako ni Grace na kapag siya ay naging pangulo ay mas maraming oportunidad para sa mga Pilipinong Muslim at makamit ang pinakamimithing kapayapaan sa Mindanao.

“Dapat maglagay din tayo ng Malacañang sa Mindanao. Bakit hindi? Hindi kailangang marangya, basta lamang mayroong kultura ng Mindanao na makikita mo.

Na ang bawat isa sa inyo ay magsasabi, ‘Ay ang pangulo ng Pilipinas ay pangulo rin naming, ay ipinaglalaban kami,’” dagdag pa ng anak ni Ms. Susan Roces.

“Alam mo kailangang gawin ko rin iyon dahil kapag nanalo ako at hindi ko tinulungan ang Mindanao ay baka multuhin ako ng tatay ko,” hirit pa ng anak ni Da King.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending