3 bata patay sa paksiw na isda; mga magulang agaw-buhay | Bandera

3 bata patay sa paksiw na isda; mga magulang agaw-buhay

John Roson |February 10,2016
facebook
share this

3 bata patay sa paksiw na isda; mga magulang agaw-buhay

John Roson - February 10, 2016 - 03:54 PM

PATAY ang tatlong batang magkakapatid habang ginagamot pa ang kanilang mga magulang  matapos umanong malason sa kinaing paksiw na isda, sa Jose Panganiban, Camarines Norte, MArtes. Nasawi ang magkakapatid na Jhon Ronnel, 5; Princess Jessavel, 2; at Mark Veejay Galleon, 7, sabi ni Chief Insp. Victor Abarca, hepe ng Jose Panganiban Police. Nananatili pa sa ospital ang magulang nilang sina Jessa at Valentino Galleon, pero “stable” na ang kalagayan, sabi ni Abarca nang kapanayamin sa telepono. Unang nakaramdam ng sakit ng tiyan at hilo ang mga bata, at makaraan ang ilan pang oras ay magulang naman nila ang nahilo, ani Abarca. Dinala ang pamilya sa Jose Panganiban Primary Hospital Services Cooperative, pero idineklarang patay ng mga doktor sina Jhon Ronnel at Princess Jessavel, aniya. Kasunod nito’y nilipat sa Camarines Norte Provincial Hospital ng Daet sina Jessa, Valentino, at Mark Veejay, pero binawian din ng buhay ang huli. Ayon kay Abarca, pasado alas-11 ng umaga Martes ay kumain ang pamilya Galleon ng paksiw na isdang nahuli ni Valentino sa paglalambat sa dagat. Nagsimulang makaramdam ng sakit ng tiyan at hilo ang mga bata alas-3:30, at dakong alas-5:30 ay nakaramdam na rin ng hilo ang kanilang magulang, aniya. “Halo-halong isda [ang sahog ng paksiw]. Mayroon din nung isa na kung tawagin nila ay tambagoy, ‘yung itim. Ang sabi-sabi ng mga nakausap ko doon, ‘yun ang maaring nakalason,” sabi ni Abarca sa BANDERA. “Si Valentino, may kasama siyang ibang nangisda. Tatlo sila. At ang sabi ng mga kasama niya, pinili nila ‘yung mga isda na kakainin nila, inalis nila ‘yung mga tambagoy… Pero si Valentino, hinugasan lang ‘yung isda,” aniya. Sinabi din ng mga mangingisda na di sila gumamit ng cyanide dahil may mga malapit na fish cage doon, anang police official. Kumuha na ang Rural Health Unit ng sample ng tirang paksiw, mga isda, at pinanlutong asin, na napansing “may ibang amoy,” para alamin kung anong nakalason sa pamilya Galleon, ani Abarca.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending