Meat dealers nagbabala ng 5-araw na ‘pig holiday’ | Bandera

Meat dealers nagbabala ng 5-araw na ‘pig holiday’

|February 10,2016
facebook
share this

Meat dealers nagbabala ng 5-araw na ‘pig holiday’

- February 10, 2016 - 12:12 PM

NAGBANTA ang mga meat dealer ng limang-araw na “pig holiday” para iprotesta ang problema sa  smuggling sa bansa, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer 990AM.

Ayon sa ulat, naaalarma ang mga negosyante mula sa industriya ng karne sa talamak na smuggling na nagiging dahilan ng pagbagsak ng presyo karne.

Hindi pa naman nagtakda ng petsa ang grupo kaugnay ng “pig holiday.”

Sinabi ni Agap Partylist Rep. Nicanor Briones na bumagsak ang farm gate price ng karne sa P90 kada kilo ngayong buwan mula sa dating P115 kada kilo.

Idinagdag ni Briones na apektado rin ang gobyeruno sa talamak na  smuggling. Noong 2015,  tinatayang umabot sa P6.3 bilyon ang nawalang kita sa buwis dahil sa smuggling ng karne at  manok.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending