Magaling na aktor mas lumala ang kundisyon, sapilitang ibinalik sa rehab | Bandera

Magaling na aktor mas lumala ang kundisyon, sapilitang ibinalik sa rehab

Cristy Fermin |February 10,2016
facebook
share this

Magaling na aktor mas lumala ang kundisyon, sapilitang ibinalik sa rehab

Cristy Fermin - February 10, 2016 - 12:06 PM

NANDU’N pa rin ang kanilang suporta pero matindi ang galit ng kanyang pamilya sa isang magaling na aktor na muling nagbigay sa kanila ng kahihiyan.
Nangako ang male personality na hinding-hindi na siya makikisama pa sa mga taong walang magandang nagawa sa kanyang buhay pero ganu’n pa rin ang kanyang ginawa sa kabila ng suporta at pagmamahal na ibinigay ng kanyang mga magulang at mga kapatid.
Nalampasan na dapat niya ang matinding hamon sa kanyang buhay at career pero nanaig pa rin ang kawalan niya ng disiplina at hindi pagpapahalaga sa magagandang oportunidad na dumarating sa kanya.
Kuwento ng aming source, “Mukhang mas tumindi pa nga ang craving niya sa bisyo, parang wala namang nagawa ang matagal niyang pagtira sa rehab, dahil wala pa rin siyang disiplina.
“Buong-ningning pa naman siyang ipinagmamalaki ng mga magulang niya, ng mga utol at kaibigan niya, pero pagkapahiya lang pala ang aabutin nila.
“Sa set ng seryeng ginawa niya, e, palagi siyang tulaley, walang gana, dahil wasted na wasted siya. Kapag tinatawag na siya para sumalang, ayaw niyang gumalaw, basta nasa waiting area lang siya,” simulang kuwento ng aming impormante.
Nakipagmiting agad ang produksiyon sa mga magulang ng magaling pa namang aktor, kinausap siya nang masinsinan, pero paano niya irerespeto ang production staff kung pati ang mga magulang niya ay hindi na rin nirerespeto ng magaling na aktor?
“Pilitan ang pagbalik niya sa rehab, hindi naman nagkaroon ng chase scene, pero matindi ang resistance ni ____ (pangalan ng magaling at guwapong aktor), gusto niya ng buhay na malaya pero wala pa rin siyang katanda-tanda.
Napakaigsi ng name niya para hindi mo mahulaan kung sino siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending