Grace Poe, ang anak ng Panday: Puno na ang salop | Bandera

Grace Poe, ang anak ng Panday: Puno na ang salop

Leifbilly Begas |February 10,2016
facebook
share this

Grace Poe, ang anak ng Panday: Puno na ang salop

Leifbilly Begas - February 10, 2016 - 11:21 AM
SA pagsisimula ng pangangampanya ng mga kandidato sa national position kahapon, sinabi ng presidential candidate na si Sen. Grace Poe na ‘nakataga sa bato at nakaukit sa aking puso’ ang kanyang mga pangakong gagawin upang mapaganda ang buhay ng mga Pilipino. “Puno na ang salop ng kahirapan, puno na ang salop ng katiwalian. Dapat na itong kalusin,” ani Poe. “Ipaglaban natin na ang bawat isa ay may Pagkain, May hanap Buhay, may edukasyon at may kalinga.” Ipinangako ni Poe ang gobyernong may puso para sa kanyang pamilya— ang mga Pilipino. Sinabi ni Poe na siya ay para sa mga Pilipino na ‘sawa na sa bagel ng serbisyo sa pamahalaan, pagod na sa mahabang pila, pikon na sa tagal ng plaka at lisensya, o galit na sa bagal ng dating ng tulong kung may bagyo o sakuna, parating na ang Gobyernong may Puso na mabilis, maagap, at may malasakit; isang gobyernong bawal ang tamad at bawal ang makupad at magnanakaw.’ Mistulang hinamon din ni Poe ang kanyang mga kalaban gamit ang sabi ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr. “Huwag mong sabihin marami kang tauhan. Huwag mo rin sabihin na marami kang salapi. Pare pareho lang tayo”. Dagdag pa ni Poe dapat ang bata, babae man, pulot o dukha,  ay ‘pwedeng mangarap maging teacher, pulis, matagumpay na magsasaka, doktor, Supreme Court Justice, at maging pangulo man ng bansa.’ “Sa mga Pilipinong tila inaasa na lamang sa pagtaya sa lotto ang pag-asang magka-tahanan ng sarili, parating na ang Gobyernong may Puso na maglulunsad ng isang programang pabahay para sa lahat.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending