Rated K, Failon Ngayon, Atom wagi sa 2nd Aral Parangal Awards | Bandera

Rated K, Failon Ngayon, Atom wagi sa 2nd Aral Parangal Awards

Ervin Santiago |February 10,2016
facebook
share this

Rated K, Failon Ngayon, Atom wagi sa 2nd Aral Parangal Awards

Ervin Santiago - February 10, 2016 - 02:00 AM

korina sanchez

Maganda ang simula ng taon sa ABS-CBN sa pagkapanalo nito ng Best TV Station mula sa 2nd Aral Parangal Awards of the Young Educators’ Council of SOCKSARGEN (YECS) at Platinum Stallion Awards of Trinity University of Asia.

Pinatunayan din ng ABS-CBN News na ito ang pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino pagdating sa balita dahil binigyang parangal din ng Aral Parangal ang TV Patrol at ng Platinum Stallion Awards ang Bandila bilang Best National News Program at Best News Program.

Ilan lang ito sa kabuuang 29 na parangal na natanggap nga Kapamilya Network noong Jan. 23 at Feb. 3. Panalo rin sa Aral Parangal ang iba pang programa at anchors sa Integrated ABS-CBN News and Current Affairs tulad ng Best TV Magazine Show (Rated K ni Korina Sanchez), Best Educational TV Program (Matanglawin), Best TV Documentary (Failon Ngayon), at Best National TV News Anchor para kay Ted Failon sa Aral Parangal awards.

Sa Platinum Stallion Awards naman, nakuha rin ng pinakamalaking news organization sa bansa ang Best Morning Show (Umagang Kay Ganda), Best AM Radio Program (Failon Ngayon), at Best Female AM Broadcast Journalist (Karen Davila), Best Male News Anchor (Julius Babao), at Most Trusted Male Field Reporter (Atom Araullo).

Ang mga top-rating entertainment programs at artista ng Kapamilya Network ay di rin naman binigo ng mga kabtaan mula South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos. Nanalo ang It’s Showtime bilang Best TV Variety Show at Best Noon Show, habang ang Gandang Gabi Vice ay ang Best Talk Show, Maalaala Mo Kaya, Best Drama Anthology, at Deal or No Deal, Best TV Game Show.

Speaking of Rated K and Korina Sanchez, magandang pambuena-mano sa nalalapit na summer season ang mga kakaibang gimikan para sa buong pamilya at barkada na ipinakita sa huling episode ng programa.

Nangunguna dito and Tadlak o Aligator Lake na matatagpuan sa Los Banos, Laguna – kung saan may mga higanteng slide na susukat sa katapangan ng mga parokyano. Mayroon ditong mga malalaking swing at 32 feet na diving board.

Ipinakita din ng misis ni Mar Roxas ang Museo Tidlum sa Cebu kung saan matatgpuan ang isang museo sa ilalim ng dagat. At siyempre ipinagmalaki din Koring ang Ariel’s Point sa Boracay na sikat na cliff diving site sa buonh mundo.

Mahilig talaga ang broadcast journalist na magpakita ng mga kakaibang lugar na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy dahil maging siya at ang asawang si Mar ay adventurous din. Sa katunayan isa sa mga libangan ng mag-asawa ay ang mag-diving sa iba’t-ibang mga dive spots sa Pilipinas, partikular sa mga abot kayang dive spots sa Batangas na napakalapit sa Maynila.

Kapwa abala sa trabaho sina Mar at Korina, kaya kapag may libre silang oras sa weekends, talagang sinasamantala nila ang pagkakataong makapag-bonding at mag-dive. Ayon kay korina, isa sa mga pangtagal stress ni Mar ay ang pagmamaneho kaya enjoy na enjoy sila sa long drive papuntang Batangas.

“Kalimitan over night lang kami at talagang sinusulit namin ang mga nakaw naming out-town-trips. Kaya naman talagang recharged na recharged kami pagbalik namin sa Maynila.” Dahil sa sobrang hectic ng kanilang mga schedules nitong mga nakaraang buwan, hindi na nakakapag-dive ang mag-asawa kaya naman sabik na sabik silang bumalik sa Batangas upang mag-dive.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending