Biyuda, makapag-aasawa pa ba? (2) | Bandera

Biyuda, makapag-aasawa pa ba? (2)

Joseph Greenfield |February 10,2016
facebook
share this

Biyuda, makapag-aasawa pa ba? (2)

Joseph Greenfield - February 10, 2016 - 03:00 AM

Sumat mula kay Dinah Looc Pier Site, Allen, Northern Samar
Problema:
1. Taong 2013 ng ako ay mabalo sa aking asawa, naaksidente kasi siya sa motorsiklo. Sa ngayon nag-iisa na ako sa buhay, pero napagtapos ko na ng pag-aaral ang dalawang anak namin na puro lalaki. Kaya naman dapat lang marahil na ang sarili ko naman ang aking asikasuhin. Gusto kong mag-asawang muli Sir Greenfield, kaya naisipan kong sumulat sa inyo, upang itatanong kung muli kaya akong makapag-aasawa.
2. Kung makapag-aasawa pa ako, sino kaya ang lalaking ito at kailan ko makikilala o kakilala ko na ba siya sa ngayon? November 13, 1969 ang birthday ko at may nanliligaw sa akin na isinilang noong July 7, 1970 na isang matandang binata, compatible kaya kami at siya na kaya ang makakasama ko habang buhay?
Umaasa,
Dinah Northern Samar
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing kaya mo pang makapag-asawa, dahil karamihan sa mga Scorpio na nababalo, sila ay nakapag-aasawa pang muli at sa ikalawang pag aasawa habang buhay na silang lumiligaya, higit lalo kung ang mapapangasawa nila ay isang Cancer.
Numerology:
Ang birth date mo namang 13, ay nagsasabing sa edad mong 47 may asim ka pa at kung sakaling makapag-aasawa ng isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, at 29, tiyak ang magaganap, muli kang magiging maligaya sa aspetong pang-sexual at pag-ibig.
Luscher Color Test:
Ang mahalaga, lagi kang magsuot ng kulay na berde at dilaw, upang lagi mong mahigop ang magandang kapalaaran na may kaugnayan sa pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Graphology:
Ang lagda mong kinakitaan ng “phallic symbol” ay nagbabadya na sa ngayon tunay ngang marami ka pang sexual energy at sexual drives. Ibig sabihin, tulad ng nasabi na, kung makapag-aasawa kang muli, mapapaligaya mo pa ang iyong mapapangasawa, hindi lang sa aspetong pang-sexual, gayon din sa aspetong pang-emosyonal.
Huling payo at paalala:
Dinah ayon sa iyong kapalaran, sa taong kasalukuyan sa buwan ng Mayo, sigurado na ang magaganap, matatagpuan mo na ang isang lalaking magpapaligaya sa iyo na siya na ring itatala bilang ikalawang asawa, na nagtataglay ng zodiac sign na Cancer na sa kasalukuyan ay kakilala mo na, kung saan, ang lalaking ito ay nagtataglay ng initial na R. S. at maaari ngang ito na ang kasalukuyan mong manliligaw, na sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, tiyak na ang magaganap, mabubuo isang matimyas na pag-iibigan na hahantong sa isang pang maligaya at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending