Horoscope, February 10, 2016 | Bandera

Horoscope, February 10, 2016

Madam Sophia |February 10,2016
facebook
share this

Horoscope, February 10, 2016

Madam Sophia - February 10, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Magtutuloy-tuloy na ang suwerte habang unti-unti nang nagpapakita ang buwang sa langit. Hilingin sa buwan na dumami pang lalo ang iyong salapi. Sa pag-ibig, may maligayang pakikipagrelasyong darating. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” Yellow at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa panahong ikaw ay sagana, wag kalimutang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakakatulong sa iyo upang lalo ka pang suwertehin. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang gagawin ninyong pagde-date ng kasuyo sa Valentine’s day. Mapalad ang 3, 9, 27, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Om.” Beige at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Magandang pagkakataon ang araw na ito upang disiplinahin ang sarili. Wag masyadong kumain ng mga pagkaing nakakataba upang masimulan na ang “operation pagpapa-sexy.” Ang pagtitipid at pagpapa-sexy ay magbibigay sa iyo ng masaya at maunlad na pamumuhay. Mapalad ang 3, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Om.” Pink at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang pangako sa minamahal sa darating na summer vacation—magbakasyong-grande sa Boracay. Sa pinansiyal, iwasang sumira sa isang transaksyong matagal nang shoot-sa-balde. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” White at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Kailangan ang dagdag na pahinga upang magbalik ang sigla. Umuwi muna sa probinsiya at doon magrelaks at manguha ng mga mangga. Sa pag-ibig, laging isama ang kasuyo saan man magpunta. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Green at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ingatan ang natitirang salapi! Wag gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, itagong mahigpit ang pera upang hindi matiktikan ng mga mangungutang. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Shiva-Krisna-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kahit mahilig kumontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera. Mag-combine force kayo ng iyong kasuyo upang masimulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.” Violet at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Maglaan ng budget para sa pagbabakasyon. Masarap gumimik at mag-swimming sa panahong ito ng tag-araw. Sa pag-ibig, wag kalimutang bitbitin ang kasuyo sa pag-a-outing. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Habang sagana, umpisahan nang mag-ipon. Hindi paramihan ng pera o suweldo ang labanan kundi paramihan ng savings. Sa pag-ibig, kung sino ang maraming pera, siya ang matagumpay at maligaya. Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa araw na ito, wag pairalin ang katarayan. Hindi ka kikita ng malaking halaga kung lagi kang nagsusungit. Sa pag-ibig, wag awayin ang kasuyo at pagkatapos ay ikaw na naman ang hihingi ng sorry. Mapalad ang 7, 18, 29, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Rama-Om!” Blue at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay ng suwerte. Magpakasipag ka at tipirin ang iyong kinikita. Yan ang sure na paraan upang umunlad. Sa pag-ibig, hindi ka iiwan ng kasuyo hangga’t alam niyang mapera ka. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Nirayana.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasang gumawa ng mali na maaaring pagsisihan habang buhay! Sa pag-ibig, wag gumawa ng imoral na gawain ngayong Valentine’s Day. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng pera sa kabang yaman. Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Aum-Harim.” Maroon at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Haluan ng panalangin ang relasyon. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kadilang pula at yayain ang kasuyo na ipagdasal ang inyong tagumpay at masarap na suyuan. Sa pinansyal, nakapagpapayaman din ang palagiang pagdarasal. Mapalad ang 1, 19, 22, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gosvami-Om.” Bukod sa red buenas ang lilac.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending