Kapalit ni Seneres 'nuisance' candidate | Bandera

Kapalit ni Seneres ‘nuisance’ candidate

John Roson |February 09,2016
facebook
share this

Kapalit ni Seneres ‘nuisance’ candidate

John Roson - February 09, 2016 - 07:21 PM

NAGPALIT ang partido ni yumaong OFW Family Club party-list Rep. Roy Seneres ng substitute o kahalili sa kanyang pagtakbo bilang pangulo kahapon, pero itinanggi ng kanyang pamilya na ito’y kanilang inendorso.

Naghain si Atty. Apolonia Comia-Soguilon ng mga dokumento sa Commission on Elections (COMELEC) dakong alas-2 ng hapon para payagang humalili kay Seneres bilang presidential candidate ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka (PMM).

Nangako si Soguilon, na una nang itinuring ng COMELEC na “nuisance candidate” noong siya’y tumatakbo pa bilang independent candidate, na magiging “like a paradise” ang Pilipinas sa loob ng dalawang taon kung manalo siya bilang pangulo.

“We will give free education to the poor because there are those who do not want them to know, and those who do not want to know are agents of Satan,” aniya pa.

Bago ito, dakong alas-9 ng umaga, ay naghain si PMM secretary-general Melchor Chavez ng mosyon na humiling na ideklarang bakante ang presidential slot na naiwan ni Seneres at makapagpasok ang partido ng substitute.

Sinamahan ni Chavez si Soguilon nang maghain ng substitution ang huli, na aniya’y napili ng mga miyembro ng PMM bilang kapalit ni Seneres.

Sinabi ni Soguilon na “moot and academic” na ang pagkakadeklara sa kanya bilang nuisance candidate noon, at iginiit na pinapayagan ng batas ang anumang partido na magsabak ng substitution.

Pero dalawang oras lang matapos maghain ng substitution ni Soguilon, dumating sa COMELEC ang abogado ni Seneres at kanyang pamilya na si Atty. Candelaria Rivas para maghain ng hiwalay na mosyong humihiling na alisin ang pangalan ng yumaong mambabatas sa balota o huwag na itong ilagay pa sa listahan kung di pa nakapag-iimprenta.

Kasama sa mosyon ang umano’y hiling ni Seneres na walang hahalili sa kanya at wala siyang ineendorsong kapalit.

Ayon kay Rivas, nabanggit ni Seneres sa kanya ang mga hiling matapos niyang dalhin sa COMELEC noong nakaraang Biyernes ang mosyon para i-withdraw ang kandidatura ng mambabatas.

“Sabi ko, ‘Amba sinong magsa-substitute sa ‘yo? Sa mga anak mo, sa pamilya mo?’ He said: ‘No, no one is qualified,” ani Rivas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending