Miriam-Bongbong inabangan sa Ilocos Norte; nangakong ipapakulong lahat sangkot sa pork barrel scam | Bandera

Miriam-Bongbong inabangan sa Ilocos Norte; nangakong ipapakulong lahat sangkot sa pork barrel scam

|February 09,2016
facebook
share this

Miriam-Bongbong inabangan sa Ilocos Norte; nangakong ipapakulong lahat sangkot sa pork barrel scam

- February 09, 2016 - 04:02 PM

SA kabila ng nakakapasong init ng araw, daan-daang mga Ilokano ang nagtiyagang maghintay para sa unang paglabas ng magka-tandem na sina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Batac, Ilocos Norte.

Bihira lamang magpakita sa publiko si Santiago matapos naman niyang ihayag ang kanyang desisyong tumakbo noong Oktubre.

Sa kanyang talumpati na umabot lamang ng tatlong minuto, nangako si Santiago na ipapakulong ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam.

“I’ll tell you, once I become the president of this country, all the people who stole the pork barrel amounting to billions of pesos shall be sent to brand new jails. Pwedeng mamili — may ordinaryo, may business class, first class,” sabi ni Defensor.

Magkasabay na dumating sina Santiago at Marcos matapos sumakay sa isang pribadong eroplano mula Maynila papuntang Laoag sa Ilocos Norte kahapon.

Samantala, nanawagan naman si Marcos ng pagkakaisa sa mga Pinoy at sinabing ito ay dapat magsimula sa kanyang lalawigan.

“Imbes na nagkakaisa tayo ay pinag aaway tayo, kaya nawawatak ang lipunan,” dagdag ni Marcos.

“Pag pinaghati-hati ang maraming grupo, kahit tayo ay tapat sa pag-serbisyo, maliit lang magagawa ng isang grupo. ‘Pag pinagsama-sama natin, makikita natin, mararamdaman natin ang progreso; kaya ito ang aking adbokasiya,” ayon pa kay Marcos.

Samantala, sinalubong naman ni  Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang magka-tandem sa pamamagitan ng pagsusuot sa kanila ng tradisyunal na sumbrero ng mga magsasakang Ilokano.

Binisita rin ng magkatandem ang Mariano Marcos State University, ang pinakamalaking campus sa rehiyon ng Ilocos, para magbigay ng mensahe sa mga estudyante.

Ang Iloilo City ang probinsiya ni Santiago, bagamat pinili na sa Ilocos Norte gawin ang kanilang proklamasyon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending