Kathryn umaming love na Love rin si Daniel: Para na kaming magnet, mahirap nang mapaghiwalay! | Bandera

Kathryn umaming love na Love rin si Daniel: Para na kaming magnet, mahirap nang mapaghiwalay!

Ervin Santiago |February 09,2016
facebook
share this

Kathryn umaming love na Love rin si Daniel: Para na kaming magnet, mahirap nang mapaghiwalay!

Ervin Santiago - February 09, 2016 - 02:00 AM

daniel padilla

LOVE na love nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang isa’t isa ngunit hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon.

Sa nakaraang thanksgiving presscon ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN, diretsong sinabi ni Daniel na totoong “love” na talaga ang nararamdaman niya kay Kath.

Kaya tinanong din ng press ang dalaga kung ganu’n din ang nararamdaman niya kay DJ, matagal bago nakasagot ang Teen Queen, anito, “Opo.” Sundot na tanong sa dalaga, hindi kaya napipilitan lang siyang umoo para hindi mapahiya si DJ o ma-turn off ang fans?

“Hindi naman po. Bakit ko naman siya babasagin, di ba? Ang hirap na parang… hindi naman sa inuuto mo yung mga tao or pinapaikot mo sila, ganu’n. “Pero kami, basta usapan namin ni DJ, on or off-cam, importante iyong ipapakita namin sa kanila kung ano talaga.

Kung ano iyong nakikita niyo ngayon, iyun na ‘yon. “Maybe grabe iyong care namin sa isa’t isa, sobrang importante, grabe, malaking parte na kami ng isa’t isa. Parang magnet na kaming dalawa, hindi mo maipaghihiwalay,” paliwanang ni Yna Macaspac, ang karakter niya sa Pangako Sa ‘Yo na magtatapos na sa darating na Biyernes.

Natutuwa rin si Kathryn na sa ilang taon nilang pagsasama ni Daniel ay hindi pa rin sila nagkakasawaan and until now ay nandiyan pa rin ang kanilang milyun-milyong tagasuporta. “Puwede na sa ilang years na iyon na magkasawaan kayo, or dahil masyado niyo nang kilala yung isa’t isa, it’s either tanggapin or hindi na tanggapin.

“Pero kaming dalawa, inintindi namin yung isa’t isa. Tinanggap ko siya as Daniel and tinanggap niya kung sino talaga ako. And natupad yung pangako na yun kasi na-realize ko nag-grow kami together and yun ang importante,” sey pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending