Jiro gusto nang lumayas sa condo ni Ai Ai? | Bandera

Jiro gusto nang lumayas sa condo ni Ai Ai?

Ervin Santiago |February 09,2016
facebook
share this

Jiro gusto nang lumayas sa condo ni Ai Ai?

Ervin Santiago - February 09, 2016 - 02:00 AM

aiai delas alas

KALAT na ang chika na hindi pa rin daw totally “gumaling” ang dating child actor na si Jiro Manio matapos ipasok sa rehab ng ilang buwan.

May mga balita na hindi raw sinipot ng binatang ama ang acting workshop na in-schedule ng kampo ni Ai Ai delas Alas para sa pagbabalik sana niya sa telebisyon.

Bukod dito, nais na rin daw ni Jiro na umalis sa condo na nirentahan ni Ai Ai para sa kanya at bumalik na sa kanyang adoptive father na si Andrew Manio. Ayon pa sa balita, may nagpayo pa nga raw sa Comedy Queen na tigilan na ang pagtulong kay Jiro dahil parang wala naman daw nangyayari.

Pero hindi pa rin daw susuko si Ai Ai at ipagpapatuloy ang pagtulong sa aktor. Samantala, sa panayam ng ABS-CBN sa mentor at manager noon ni Jiro na si direk Maryo J Delos Reyes, muli nitong winelkam ang dating child star sa mundo ng showbiz.

Sey ni direk Maryo sa nasabing interview, “Jiro, tuloy-tuloy na ito ha, sasakalin na kita! Ha-hahaha! I feel so happy, at least wala siyang relapse or anything kasi sa experience ko noon nagkaroon siya ng relapse sana ngayon wala na at tuloy-tuloy na siya sa pagbabago.”

Hindi pa nagkikita nang personal ang dalawa pero ayon sa direktor, ipagdarasal niya na magtuluy-tuloy na ang pagbabago ng dating alaga, “Hindi pa kami nagkakausap.

I’ve had my chance na alagaan siya so ipinapasa ko ngayon ang pagkakataon kay Ai Ai kasi motherly ,yun eh. Kami ni Jiro, it’s more on actor and director at naging anak-anakan ko na rin.

Mas maraming tao na tutulong mas mabuti.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending