2 direktor tawa nang tawa sa ‘Love Is Blind’ nina Derek at Kiray | Bandera

2 direktor tawa nang tawa sa ‘Love Is Blind’ nina Derek at Kiray

Reggee Bonoan |February 09,2016
facebook
share this

2 direktor tawa nang tawa sa ‘Love Is Blind’ nina Derek at Kiray

Reggee Bonoan - February 09, 2016 - 02:00 AM

kiray celis

Nakakatawa pala talaga ang “Love Is Blind” nina Kiray Celis, Kean Cipriano, Solenn Heussaff at Derek Ramsay, akala namin kasi ay hanggang sa trailer langpero sa kabuuan ng pelikula ay talagang hahagalpak ka sa katatawa.

Sa ginanap na advanced screening ng “Love Is Blind” sa SM Megamall Cinema 7 noong Biyernes ay talagang palakasan ang tawa ng mga taong nasa loob ng sinehan at maging sina Direk Wenn Deramas at Direk Perci Intalan na nanood din ay tawang-tawa sa pelikula.

Sabi nga ni direk Wenn nang kunan namin ng reaksyon, “Entertaining at nakakaaliw si Kiray.”
Hayan, galing mismo sa unbeatable box-office director sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival ang magandang komento sa movie nina Kiray, Derek, Kean at Solenn.

Anyway, may halong drama ng konti ang kuwento ng pelikula dahil sa conflict ni Derek at ng kanyang ama sa kuwento. May sakahan kasi sa probinsiya ang kanyang tatay ngunit ayaw ng aktor na tulungan ang ama dahil mas gusto nito ang buhay-Maynila at ang pagiging struggling model.

May conflict din sina Derek at ang girlfriend niyang si Solenn na hindi mahilig magpostura kaya naiinis ang binata dahil gustung-gusto nitong i-display ang GF sa kanyang mga kaibigan. May konting drama rin sa buhay ni Kean dahil hindi niya naging girlfriend ang babaeng inaasam-asam niya.

Problemado naman si Kiray dahil walang nagkakagusto sa kanya dahil sa kakaiba niyang “kagandahan”. Hanggang sa humingi na siya ng tulong kay Kean na isang masahista na sideline naman ang pagtitinda ng iba’t ibang uri ng gayuma.

Gagayumahin ni Kiray si Derek na siyang pagmumulan ng kalokohan at katatawanan sa kuwento. Hindi na kami masyadong magkukuwento tungkol sa “Love Is Blind” dahil mas maganda kung panonoorin n’yo na lang ito na showing na simula bukas mula sa direksyon ni John Paul Laxamana under Regal Films.

Nakunan din namin ng reaksyon si Kiray sa cast party pagkatapos ng screening na halos hindi na makangiti sa sobrang pagod at puyat sa kapo-promote ng “Love Is Blind” hanggang sa probinsiya.

Pinansin naming haggard looking na siya, “Kasi tita Reggee, wala akong tulog, ilang araw na, may taping pa. Pero masaya ako kasi nagustuhan nila ‘yung movie,” say ni Kiray na mukhang debutante sa suot niyang beige cocktail dress with matching five inches stiletto kaya sa cast party ay nagpalit na siya ng tsinelas.

Masakit na raw kasi ang mga paa niya.Maraming girls naman ang nainggit kay Kiray dahil pareho nga niyang nahalikan sina Derek at Kean sa movie nila. Samantala, uumpisahan daw agad ang follow-up movie ni Kiray sa Regal Entertainment na si Perci Intalan mismo ang direktor.

At balita rin namin ay may offer si Mother Lily Monteverde kay Sam Milby para magsama sila ni Kiray sa pelikula. If ever nagtugma ang schedule at maganda ang script, matutupad ang pangarap ni Kiray na makasama ang kanyang long time crush. Taray ni Kiray!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending