Kris TV matsutsugi na; papalitan ng bagong show kasama si Ka Tunying | Bandera

Kris TV matsutsugi na; papalitan ng bagong show kasama si Ka Tunying

Reggee Bonoan |February 09,2016
facebook
share this

Kris TV matsutsugi na; papalitan ng bagong show kasama si Ka Tunying

Reggee Bonoan - February 09, 2016 - 02:00 AM

kris aquino

NAGSAMA-SAMA ang magkakapatid na Aquino para sa kaarawan ni Pangulong Noynoy kahapon na nagsimula sa isang misa. Saktong tumapat din ito sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Walong oras bago ang kaarawan ni Presidente Noy ay binati na siya ng bunsong kapatid na si Kris Aquino sa Instagram account nito. Ayon sa TV host, “#MyBrotherisAWESOME.

In 8 hours, he’ll turn 56. Happy Birthday, Noy! Love, Kristina, Josh & Bimb.” Wala ng iba pang ipinost si Kris kung ano pang kaganapang nangyari sa kaarawan ng kuya niya kaya reaksiyon ng kanyang followers, mukhang malaki na ang ipinagbago ngayon ng TV host dahil dati-rati ay talagang naka-post agad ang mga nangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya.

Pawang positive ang naka-post sa IG ni Kris kaya nahiya siguro ang bashers na pagsabihan siya ng kung anu-anong kanegahan. Balik-trabaho na ngayong araw (Martes) si Kris dahil magte-taping na uli siya para sa Kris TV hanggang sa Huwebes.

Kaarawan na rin ni Kris sa Peb. 14 at plano niyang ipagdiwang ito ng tahimik kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Samantala, narinig naming tsikahan sa presscon na papalitan na ang programang Kris TV, pero wala namang nababanggit pa ang Queen of All Media tungkol dito.

Anyway, ang narinig namin, babaguhin lang ang format ng programa ni Kris dahil magiging talk show na raw ito, (hindi na magazine type) ngunit hindi na raw ito basta tungkol sa showbiz.

Malawak kasi ang concept kapag sinabing talk show kaya anything goes ito, kumbaga anything under the sun ang pwedeng maging topic ni Kris. Isa pang narinig namin ay si Ka Tunying (Anthony Taberna) ang magiging co-host daw Kris sa bagong programa nito, ibig bang sabihin nito ay mawawala na rin ang news anchor sa morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda? Magkasunod kasing umeere ang UKG at morning show ni Kris. O, baka naman maiiba ang timeslot nito?

Mukhang interesting ang tambalang Kris at Ka Tunying kung totoo nga ang nasagap naming balita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending