Ate Guy kay Kris Bernal: Magaling na siyang artista! | Bandera

Ate Guy kay Kris Bernal: Magaling na siyang artista!

Ervin Santiago |February 09,2016
facebook
share this

Ate Guy kay Kris Bernal: Magaling na siyang artista!

Ervin Santiago - February 09, 2016 - 02:00 AM

nora aunor

DAHIL sa galing at pagiging propesyonal ni Kris Bernal sa Kapuso series na Little Nanay, nais uling makatrabaho ng Superstar na si Nora Aunor ang Kapuso actress sa mga susunod na proyekto nito.

“Magaling na siya, Magaling na artista si Kris,” ani Ate Guy sa isang panayam. Si Nora ang gumaganap na Lolay Annie Batongbuhay sa Little Nanay na ina ng karakter ni Kris na si Tinay.

Dagdag pa ng Superstar, “Magaling ang lahat ng mga kasamahan ko dito. Wala kaming problema kumbaga, happy lang!” Inamin naman ni Ate Guy na mas nakakapagod ang paggawa ng serye kesa sa pelikula, “Tsaka ang pelikula kasi pagka nagkamali ka puwedeng ulitin…puwede rin namang ulitin dito nga, pero mas ano kasi mas putul-putol lang sa pelikula, dito kasi diretso, e.

Pagka taping, diretso.” Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Little Nanay, narito ang kailangan n’yong tutukan ngayong gabi. Gusto ni Tinay (Kris) ng mga damit pambata para terno sila ni Chiechie (Chlaui Malayao).

Kulang ang budget ng mga Batongbuhay sa pagpapa-repair ng kanilang bahay. Happy and thankful si Tinay kay Don Miguel (Eddie Garcia) dahil ibinili sila ni Chiechie ng mga bagong damit; sad naman si Sophia dahil ayaw ni Helga (Sunshine Dizon) na magkapareho rin sila ng mga damit.

May private and sweet moment naman sina Archie (Hiro Peralta) at Beatrice (Winwyn Marquez) nang biglang mag-panic si Chiechie at hanapin ang kaniyang “Tinay pillow;” kakabahan naman si Vi (Gladys Reyes).

Gulat ang lahat nang madulas si Rubia at sabihing pinatapon ni Vi ang “Tinay pillow” ni Chiehie, maiiyak ang bata at magi-guilty si Vi at magsu-sorry pero walkout si Chiechie after niyang sabihin na ayaw na niya kay Vi.

Tinay pacifies Sophia na nagtatampo rin kay Helga. Bibilib si Don Miguel kay Tinay.  Samantala, pinagtripang takutin nina Stanley (Paolo Contis) at Botchog (Rafa Siguion-Reyna) si Tinay sa kuwarto nito.

Kasabay nito, pinagsabihan naman ni Berto (Bembol Roco) sina Peter (Mark Herras) at Bruce (Juancho Triviño) na wag abusuhin ang pagtira nila sa bahay na bigay ni Don Miguel. Darating bigla si Tinay sa mga Batongbuhay para magsumbong re multo sa kuwarto niya.

Pasimple namang ipaplant ni Botchog sa gamit ng mga Batongbuhay ang kunwaring “nawawalang” kuwintas ni Helga – inilagay niya ito sa bag ni Annie (Nora) at maingat na lumabas ng bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending