Grace magagamit ang ‘pamana’ ni FPJ sa drug lords | Bandera

Grace magagamit ang ‘pamana’ ni FPJ sa drug lords

Ervin Santiago |February 09,2016
facebook
share this

Grace magagamit ang ‘pamana’ ni FPJ sa drug lords

Ervin Santiago - February 09, 2016 - 02:00 AM

grace poe

Kilala ang namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino Fernando Poe, Jr. sa kaniyang mala-rapidong mga suntok at sa pagpompyang ng kaniyang mga palad sa mukha ng mga kontrabida sa kaniyang pelikula.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit pinag-aral ni Da King ng taekwondo ang anak na si Sen. Grace Poe. Sa katunayan, isang blackbelter si Grace kahit hindi ito halata sa kaniyang mahinhin at balingkinitang pangangatawan.

“Importante sa tatay ko na talagang kaya mong depensahan ang sarili mo at saka kahit malumanay kang magsalita ay hindi ka rin naman magpapaapi,” sey ni Grace sa isang panayam. Kaya naman kahit isa siyang babae, si Grace mismo ang mangunguna sa kampanya laban sa droga at kriminalidad kung siya ay maging pangulo ng bansa.

“Ako na mismo, kung ako ang pangulo, ang tututok sa PDEA, PNP, military, kung sino man, kung national security threat kagaya ng droga,” pagtitiyak ng senadora sa ginanap na multiplatform interview ng Inquirer Group recently na tinawag na “Meet The Inquirer”.

Dagdag pa nito, “Hindi lang ako mukhang masyadong brusko. Pero, huwag ninyong kalilimutan na ang nagpalaki sa akin ay si FPJ.” Sa huling survey na lumabas, muling nanguna ang anak nina Da King at Ms. Susan Roces sa mga tatakbong pangulo sa darating na Mayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending