Kilalang male performer ayaw na ayaw makasamang kumanta si Angeline Quinto | Bandera

Kilalang male performer ayaw na ayaw makasamang kumanta si Angeline Quinto

Ervin Santiago |February 08,2016
facebook
share this

Kilalang male performer ayaw na ayaw makasamang kumanta si Angeline Quinto

Ervin Santiago - February 08, 2016 - 06:20 PM

regine velasquez

TUMANGGI ang Queen of Teleserye Theme Songs ng ABS-CBN na si Angeline Quinto kung sino ang kilalang male singer na ayaw na ayaw daw siyang makasama sa mga production numbers.

Kahit anong pilit ng entertainment press na dumalo sa presscon ng Valentine concert niyang “ROYALS” kasama sina Concert King Martin Nievera, Asia’s Songbird Regine Velasquez at Prince of Pop na si Erik Santos, ay talagang ayaw pangalanan ng dalaga ang tinutukoy niyang singer.

Natanong kasi sina Regine at Angeline kung maaasahan ba ng kanilang fans ang biritan showdown at “halimawan” sa stage para sa darating nilang concert na gaganapin sa SM MOA Arena sa Feb. 13, 8 p.m., at dito nga naikuwento ng Kapamilya singer-actress ang tungkol sa kilalang male singer.

“Hindi ko alam ba’t hanggang ngayon, dala-dala ko, hindi ko makalimutan. Ayaw niya akong kasamang kumanta. Basta nalaman ko po ‘yun sa isa sa big bosses ng ABS-CBN.” “Kasi raw po baka magkalat kami. Siguro, makalat ako kumanta, baka madamay siya, parang ganu’n,” ang pahayag ni Angge.

May nagtanong kung si Jed Madela ba ang tinutukoy niya, pero todo-tanggi naman ang dalaga, “Ay hindi ‘yun, wala akong sinasabing ganu’n, ha? Close kami ni Kuya Jed.” Sey pa ni Angeline, dito nga raw sa “ROYALS” concert ay napatunayan niyang hindi siya nagkamali sa pag-idolo kay Regine dahil hindi ito marunong magmalaki o magpa-star.

Sa katunayan, todo ang pag-alalay nito sa kanya kahit sa rehearsal pa lang. “Sobrang thankful po ako na hindi ako pinapabayaan ni Mis Regs. Everytime na may hindi ako naiintindihan sa kanta, hindi ako nahiya sa kanyang lumapit kasi siya mismo ang gumagawa na nu’n kahit hindi pa ako nagtatanong sa kanya.”

Naiyak muli si Angeline habang nagsasalita tungkol sa idol niyang si Regine, “Dream come true talaga sa akin ito, kasi kagaya nga po ng mga sinabi ko nung mga nakaraang presscon po, si Miss Regs lang po ang kaisa-isang ultimate idol ko simula noon.

“Gusto ko kasi ‘yung kapag maraming nakapanood na tulad ko, ang taas-taas ng pangarap ko, pero nangyari, parang ganu’n. Gusto ko lang ma-inspire ‘yung mga bata,” sey ni Angge. Dito na siya biniro ng kanyang rumored boyfriend na si Erik at nagsabing, “Iiyak na ‘yan!” na sinagot naman ni Angeline ng, “Tapos na no!”

Pero ilang segundo lang ay totoong naiyak na nga ang dalaga, nagpunas muna siya ng luha at nag-dialogue ng, “Gusto ko lang mag-sorry, kasi everytime talaga na ako ang tinatanong about dito sa Royals talaga, naiiyak ako, pero sana huwag kayong magsawa pero kasi talagang mababaw lang ang luha ko, masaya lang ako talaga.”

Samantala, abot-langit naman ang papuri ni Regine kay Angeline dahil kung tutuusin ay kayang-kaya raw siyang sapawan nito pero hindi nito ginagawa.“Kayang-kaya nga niya akong ilampaso nga kung gusto niya, eh.

Kaya lang nga, ‘yun nga, nahihiya lang nga kasi siya, nirerespeto niya ako dahil majonders (matanda) na ako! So, malaki naman ang pasasalamat ko sa respetong ‘yun, at least, hindi ako nilampaso, naawa naman siya sa akin, ganu’n,” natatawang sabi ng Songbird.

Sa darating na Sabado na ang “Royals” sa MOA Arena habang sa Feb. 14 naman ang repeat nito sa Waterfront Hotel & Casino sa Cebu City. ito’y sa direksyon ni Rowell Santiago at sa musical direction nina Homer Flores at Raul Mitra and produced by Starmedia Entertainment and I-Music Entertainment.

For ticket inquiries, call lang kayo sa SM Tickets, 470-2222 o mag-log on sa www.smtickets.com. This is co-presented by Belo Medical Group, GAOC Dental, Luxent Hotel, Pacific Blue Shades & Watches, Zim Cleanser, Philippine Daily Inquirer. This is for the benefit of the Congregation of the Little Sisters of the Poor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman magkakasama ang mag-asawang Regine at Ogie Alcasid sa Valentine’s day dahil nga nasa Cebu siya sa Feb. 14 para sa “ROYALS”.

Pero sey ng Songbird, baka raw manood si Ogie sa Feb. 13 sa MOA kasama ang anak nilang si Nate. “So, baka pagbalik ko lang from Cebu kami magse-sex! Ganern!” tawa nang tawang biro ni Regine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending