LPG bababa pa | Bandera

LPG bababa pa

Leifbilly Begas |February 08,2016
facebook
share this

LPG bababa pa

Leifbilly Begas - February 08, 2016 - 02:09 PM

lpg
Inaasahan ang muling pagbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas sa mga darating na linggo.
Ayon kay LPGMA Rep. Arnel Ty nananatiling pababa ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan kaya mayroon pang maaasahang pagbabasa presyo nito.
Hindi naman masabi ni Ty kung magkano ang ibababa ng presyo.
Posibleng mapatuloy umano ang pagbabang ito hanggang sa muling magpulong ang 13 miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries sa Hunyo.
Nang magpulong ang OPEC noong Disyembre, nagdesisyon sila na panatilihing mataas ang produksyon ng produktong petrolyo kahit na maraming suplay na siyang nagpapababa sa presyo. Umaabot sa 31.5 milyong bareles kada araw ang kanilang nalilikha.
Dumagdag pa sa suplay ang P500,000 bareles kada araw na nalilikha ng Iraq kada araw.
Ayon sa price monitoring report ng Department of Energy, ang LPG ay ibinebenta ngayon sa P382 kada 11-kilong tangke, mas mababa sa P508 kada tangke noong nakaraang taon.
Dalawang taon na ang nakakaraan ang presyo ng LPG ay P766 kada tangke.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending