Kiray puring-puri ni Mother Lily, walang kaarte-arte sa trabaho | Bandera

Kiray puring-puri ni Mother Lily, walang kaarte-arte sa trabaho

Cristy Fermin |February 08,2016
facebook
share this

Kiray puring-puri ni Mother Lily, walang kaarte-arte sa trabaho

Cristy Fermin - February 08, 2016 - 02:00 AM

kiray celis

Gustung-gusto naming magtuluy-tuloy ang magandang kapalaran ni Kiray sa pelikula. Magaling siyang komedyante, walang kaintri-intriga sa buhay, basta gusto lang niyang pasayahin ang ating mga kababayan.

Hindi namin malilimutan si Kiray. Mahigit na isang dekada na ang nakararaan ay naging contestant siya sa programang pinagsasamahan nina Willie Revillame, Randy Santiago at John Estrada.

Bahagya na siyang umangat sa lupa pero ang mga kinakanta niya at binibigyan ng hustisyang mga piyesa ay puro klasiko. Matatandang kanta na hindi kayang itawid ng mas nakatatandang singers sa kanya.

Napagtuunan siya ng pansin ni Mother Lily Monteverde, binigyan siya ng “Love Is Blind,” maganda ang mga rebyu kay Kiray sa kabuuan ng pelikula. Siya ang may bitbit ng komedya na kinaaliwan ng mga nanood sa premiere night nito.

Kung tawagin namin nu’n ang komedyana ay Bootswana, mahilig kasi siyang magsuot ng boots, kesehodang napakainit ng panahon ay wagas na wagas pa rin siyang naka-boots.

Pagkatapos ng “Love Is Blind” na ipalalabas na sa Miyerkules ay meron na agad siyang panibagong proyekto sa Regal Films. Aliw na aliw sa kanya ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde, wala raw kasing kaarte-arte sa katawan si Kiray, ang galing-galing pang artista.

Harinawang magtuluy-tuloy na nga ang suwerte ni Kiray. Mahal na mahal niya ang kanyang trabaho, ine-enjoy niya ang pagkokomedya, at nakakatawa talaga ang kanyang pagpapatawa at hindi nakakainis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending