Ang ka-chat mate na ba ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang ka-chat mate na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield |February 08,2016
facebook
share this

Ang ka-chat mate na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - February 08, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Carla ng Caronga,  Midsayap, Cotabato
Problema:
1.May ka-chat ako sa kasalukuyan na isang foreigner at matagal na kaming nagcha-chat. Magdadalawang taon na at regular ang communication namin. Kaya naman masasabing kahit hindi kami nagkikita ng personal ay halos kami na. Sabi nya sa akin sa May 2016 daw this year ay magbi-visit siya dito sa atin, upang yayain na akong pakasal.
2. Itatanong ko lang kung matutuloy kaya ang balak nyang ito at siya na kaya ang makakatuluyan ko, malaki kasi ang agwat ng edad namin, October 14, 1989 ang birthday ko at siya naman ay February 17, 1975? Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan?
Umaasa,
Carla ng Midsayap, Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) habang Aquarius naman ang boyfriend mo na, nakilala sa internet ay nagsasabing compatible kayo. Sapagkat ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong air o hangin.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing susuwertehin ka sa pag-aasawa at sa pangingibang bansa, kung saan, ang birth date na 17 ng ka-chat mate mo ay sadyang katugma at ka-compatible mo rin. Ibig sabihin kapag kayo ay nagka-tuluyan may isang masaya at maligayang pag-iibigang mabubuo.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at sa lahat ng aspeto ng buhay, laging mag suot ng kulay na pink, red at silver. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magbibigay sa iyo ng bonggang-bongga at mas magaganda pang mga kapalaran.
Huling payo at paalala:
Carla ayon sa iyong kapalaran sa taong ito ng 2016 sa edad mong 27 pataas, magsisimula na ang iyong suwerte. At tulad ng inaasahan tutuparin ng ka-chat mate mong foreigner ang kanyang pangako na bibisitahin ka sa ating bansa upang yayain nang magpakasal at ito ay magaganap sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Setyembre. At sa sandaling yayain kang pakasal, sunggaban mo agad, upang paglipas ng isa pa uling taon sa 2018, sa edad mong 28 pataas, ganap ka ng makapag-aabroad at sa ibayong dagat, may pa-ngako na doon ka na rin magkakaroon ng isang masaya, masagana at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending